PPCRV Tarlac, handa na para sa halalan sa Lunes

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 548 total reads

Handa na ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa Diocese ng Tarlac sa pagdaraos ng halalan sa Lunes.

Ayon kay Fr. Randy Salunga – Director ng Tarlac Social Action Center nakahanda ang mga volunteers para magbantay at tiyakin ang maayos na daloy ng eleksyon sa lalawigan.

Sinabi pa ni Fr. Salunga, bahagi ng mandato na iniatas ni Tarlac Bishop Enrique Macaraeg na muling buhayin ang PPCRV sa diyosesis upang pangunahan ang pagbibigay kaalaman sa mga botante at pagbabantay sa boto ng bawat mamamayan.

“Yun ang mandato na ibinigay ng Obispo sa akin kasi nawala yan for many years so ngayon palang, kaya ngayon bagamat maiksi yung preparation yun ang sinisiguro po namin na we will be there this coming election, we will be present na we will do our task and we hope time will come magiging buo kami isang organisasyon talaga para ng sa ganun ay mayroon isang PPCRV Tarlac na talagang magbabantay sa mga boto natin at tutulong sa pag-educate sa mga voters natin,” ang bahagi ng pahayag ni Fr. Salunga sa panayam sa Radyo Veritas.

YOUTH VOLUNTEERS

Nagagalak din ang diyosesis sa naging pagtugon ng mga kabataan sa sa pangangailangan ng mga volunteers ng PPCRV Tarlac.

Ayon kay Fr. Salunga, malaki ang maiaambag ng mga kabataan upang mas maging aktibo ang pagganap ng PPCRV Tarlac sa pagtiyak ng kaayusan sa nakatakdang halalan.

“Actually karamihan sa mga tumugon na mga pinadala ng mga parishes ay mga kabataan so ang laking masaya nga kasi alam natin ang mga kabataan kapag sila ay kumilos ay very creative tapos nandyan yung enthusiasm, nandun yung energy nila so nakakahawa so we are grateful that majority of our volunteers are youth kaya ito po ay isang malaki, magandang karanasan at the same time malaking biyaya sa ating Simbahan…” Pagbabahagi pa ni Rev. Fr. Randy Salunga.

Tinniyak din ni Fr. Salunga na matapos ang halalan ngayong Mayo ay mas lalo pang patatatagin ng diyosesis ang PPCRV Tarlac upang maging ganap na tagapagbantay ng Simbahang Katolika sa pagkakaroon ng isang maayos at tapat na eleksyon sa bansa.

Batay sa tala, halos 83-porsyento sa kabuuang 1.3-milyong kabuuang populasyon ng Diocese of Tarlac ay mga Katoliko na katumbas ng 1.1-milyong mananampalataya na pinangangasiwaan naman ng may 112 mga Pari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 27,566 total reads

 27,566 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 63,857 total reads

 63,857 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 290,127 total reads

 290,127 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 183,594 total reads

 183,594 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 276,184 total reads

 276,184 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top