Prayer for reconciliation, ibinahagi ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,388 total reads

Ipinapanalangin ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang pagkakaisa at paghilom ng bansa sa gitna ng nagpapatuloy na bangayan dahil sa magkakaibang pananaw sa usaping pampulitika at panlipunan.

Ayon sa obispo nawa’y mangibabaw sa mamamayan ang pagpapatawad at sa diwa ng habag at awa ng Panginoon ay iiral ang pagpapakatao na may paggalang at pagpapahalaga sa kapwa para sa kinabukasan ng bansa.

“Lord, we pray for reconciliation. Let past grievances and wounds be healed by Your mercy. May those who are divided by politics and opposing views find unity in shared dreams for a better tomorrow. Let kindness and understanding triumph over hostility and division. Teach all of us to see humanity in one another, to respect and honor differences, and to work hand-in-hand to build a brighter future,” bahagi ng panalangin ni Bishop Santos.
Kasunod ng pag-aresto ng Interpol kay dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kasong crimes against humanity na isinampa sa International Criminal Court magkahati ang pananaw ng mga Pilipino sa usapin.

Bukod pa rito ang iba pang mahahalagang usapin ng bayan partikular ang nalalapit na halalan ng bansa sa May 12 kung saan kadalasang nagsisiraan ang mga kumakandidato at mga tagasuporta sa panahon ng pangangampanya.

Dalangin ni Bishop Santos ang kahinahunan at kaliwanagan ng isip ng mga lider ng pamahalaan na maging tapat sa kanilang tungkulin sa bayan na pangunahan ang pagpapatupad ng mga programang makatutulong sa nasasakupan.

“Lord, we bring before You the leaders of this land. We ask for Your wisdom to fill their hearts, that they may govern with humility, integrity, and a sincere desire to serve their people. May those who are in authority choose the paths of selflessness and collaboration for the common good. Let justice, honesty, and compassion be the pillars of their leadership,” ani Bishop Santos.
Umaasa ang obispo na magamit sa wastong pamamaraan ang mga mapagkukunan ng bansa na mapakikinabangan ng bawat Pilipino gayundin ang pag-iral ng katotohanan at katarungan upang manaig ang pangkabuuang kapayapaan.

Hiniling din ng obispo sa Panginoon ang pananahan sa puso ng bawat isa upang manatiling matatag sa anumang hamong kakaharapin at patuloy na manindigan sa diwa ng pag-ibig at pagmamalasakit sa kapwa.

Church workers, hinamon ni Bishop Santos

 10,753 total reads

 10,753 total reads Hinamon ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga church workers na seryosohin ang kanilang papel bilang mga lingkod na tumatanggap sa mga deboto

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 73,137 total reads

 73,137 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 133,633 total reads

 133,633 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 151,724 total reads

 151,724 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 232,378 total reads

 232,378 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 330,716 total reads

 330,716 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top