Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Prelatura ng Batanes, umaapela ng tulong

SHARE THE TRUTH

 607 total views

Umapela ng tulong ang Prelatura ng Batanes dahil sa lubhang epekto ng bagyong Kiko sa lugar.

Ibinahagi ni Bishop Danilo Ulep na maraming kabahayan ang napinsala sa Batanes kabilang na ang mga simbahan.

“I am humbly appealing for assistance in behalf of our people. Several houses, especially those made of light materials were literally blown away,” bahagi ng apela ni Bishop Ulep.

Nasira din ng bagyo ang kombento ng Ivana Parish at St. Dominic College ang nag-iisang katolikong paaralan sa Batanes.

Matatandaang isinailalim ng PAGASA sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 4 ang Batanes makaraang lumakas ang bagyong Kiko na halos umabot sa super typhoon category.

Sa kabila ng kalamidad umaasa si Bishop Ulep na makababangon ang mga residente ng Batanes sa pamamagitan ng pagkalinga ng mamamayan sa pangangailangan.

“Despite this calamity, we remain undaunted. We are certain that we can recover from this disaster. With your support, we know that we can get back on our feet and move on with our life after this yet another trial,” ani Bishop Ulep.

Sa assessment ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) mahigit sa isang bilyong piso ang pinsala sa sektor ng agrikultura bunsod ng magkasunod na bagyong Jolina at Kiko.

Nasa 323 mga bahay naman ang nasira dahil sa malalakas na hangin sa pananalasa ng bagyong Kiko sa bansa.

Sa mga nais magpaabot ng tulong pinansyal sa Prelatura ng Batanes maaring magdeposito sa Landbank Basco branch sa account name: Prelature of Batanes, account number 1081-0502-08 o sa GCash account name Danilo Ulep 0917 578 0198.

Sa mga magpapaabot ng tulong maaring ipadala ang screenshot o transcation slip sa [email protected] o sa [email protected] para sa proper acknowledgment.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DESTABILIZATION

 150,325 total views

 150,325 total views Kapanalig, hindi dapat ipinagsasawalang bahala ang “destabilization plots”., ito ay paanyaya ng violence, pangpahina ng pamahalaan., pananabotahe sa gobyerno., pagkompromiso sa social fabric

Read More »

POWER OF PURSE

 215,453 total views

 215,453 total views Kapanalig, taon-taon…tayo ay nagpapakahirap sa pagta-trabaho, obligado tayong nagbabayad ng buwis., umaasang gagamitin ng pamahalaan sa tama ang ating pinaghirapang pera. Pinapaniwala tayo

Read More »

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 176,073 total views

 176,073 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

 237,242 total views

 237,242 total views Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 257,195 total views

 257,195 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top