Prelatura ng Batanes, umaapela ng tulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 789 total views

Umapela ng tulong ang Prelatura ng Batanes dahil sa lubhang epekto ng bagyong Kiko sa lugar.

Ibinahagi ni Bishop Danilo Ulep na maraming kabahayan ang napinsala sa Batanes kabilang na ang mga simbahan.

“I am humbly appealing for assistance in behalf of our people. Several houses, especially those made of light materials were literally blown away,” bahagi ng apela ni Bishop Ulep.

Nasira din ng bagyo ang kombento ng Ivana Parish at St. Dominic College ang nag-iisang katolikong paaralan sa Batanes.

Matatandaang isinailalim ng PAGASA sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 4 ang Batanes makaraang lumakas ang bagyong Kiko na halos umabot sa super typhoon category.

Sa kabila ng kalamidad umaasa si Bishop Ulep na makababangon ang mga residente ng Batanes sa pamamagitan ng pagkalinga ng mamamayan sa pangangailangan.

“Despite this calamity, we remain undaunted. We are certain that we can recover from this disaster. With your support, we know that we can get back on our feet and move on with our life after this yet another trial,” ani Bishop Ulep.

Sa assessment ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) mahigit sa isang bilyong piso ang pinsala sa sektor ng agrikultura bunsod ng magkasunod na bagyong Jolina at Kiko.

Nasa 323 mga bahay naman ang nasira dahil sa malalakas na hangin sa pananalasa ng bagyong Kiko sa bansa.

Sa mga nais magpaabot ng tulong pinansyal sa Prelatura ng Batanes maaring magdeposito sa Landbank Basco branch sa account name: Prelature of Batanes, account number 1081-0502-08 o sa GCash account name Danilo Ulep 0917 578 0198.

Sa mga magpapaabot ng tulong maaring ipadala ang screenshot o transcation slip sa [email protected] o sa [email protected] para sa proper acknowledgment.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 84,550 total views

 84,550 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 114,773 total views

 114,773 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 141,422 total views

 141,422 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 236,395 total views

 236,395 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 251,849 total views

 251,849 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top