Prevention of Adolescent Act of 2023, kinundena ng SLP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,338 total reads

Mariing kinundena ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang isinusulong ng senado na ‘Prevention of Adolescent Pregnancy Act of 2023′ na layong tanggalan ng karapatan ang mga magulang na makibahagi sa buhay pagbibinata at pagdadalaga ng kabataan.
Ayon kay SLP National President Xavier Padilla kasuklam-suklam ang panukala at tahasang paglabag sa moralidad at karapatan ng mga magulang kaya’t mahalagang isantabi ito ng senado.
“We call on the Senate to dump the bill that is diabolical in nature as it aims to remove parents from any participation in their adolescents’ life,” bahagi ng pahayag ni Padilla.
Binatikos din ni Padilla ang Department of Education dahil sa DepEd Order No. 31 na nagpapatupad Comprehensive Sexuality Education kung saan malayang itinuturo sa mga pampublikong paaralan ang sexual material.
Iginiit nitong dapat kapwa secondary family ang senado at DepEd sa mga kabataan na mangangalaga sa karapatan ng mga pamilya na itinuturing na munting pamayanan.
Suportado naman ni Laiko Board of Trustee Atty. Proculo Sarmen ang paninindigan ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on the Laity na protektahan ang mga pamilya laban sa anumang banta ng pagsira.
“As a faith-driven community dedicated to safeguarding Christian values, we stand in solidarity with Laiko’s assertion that the Filipino family is the cornerstone of society, and parental rights must not be undermined by policies that seek to alienate parents from their vital role in guiding their children,” ayon kay Sarmen.
Sa ilalim ng panukala bibigyan ng karapatan ang mga batang edad sampung taong gulang na magkaroon ng access sa sexual material nang walang pahintulot mula sa mga magulang.
Iginiit ni Sarmen na lubhang mapanganib ang panukala na tuluyang mawala ang sagradong ugnayan ng mga magulang at mga anak na nakaugat sa pagtitiwala, paggabay at moral formation.
“While the goal of addressing adolescent pregnancy is laudable, the means must not contradict the moral and cultural fabric of our nation,” ani Sarmen.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority noong 2022 mahigit tatlong libong kabataang babae na edad 15 taong gulang pababa ang nagsilang ng sanggol o 35 porsyentong pagtaas sa bilang noong 2021.
Hiling din ni Sarmen sa DepEd na ipagpaliban ang pagpatupad ng DepEd Order No. 31 dahil malinaw na pag bypass ito sa tungkulin ng pamilya na pangunahing tatalakay sa mga sensitibong usapin.
“We echo Laiko’s call for the Senate to reconsider and reject this bill and urge our legislators, particularly the re-electionist senators mentioned, to heed the voice of their constituents. We also call on DepEd to pause the implementation of CSE and open an inclusive dialogue with families, educators, and faith-based organizations to ensure that any educational initiatives respect the values and rights of Filipino families,” dagdag pa nito.
Kabilang sa mga nagsusulong nito sina Senators Christopher Go, Risa Hontiveros, Imee Marcos, Ramon Revilla Jr. at Sonny Angara na kasalukuyang kalihim ng DepEd.
Kaugnay nito pinuri ng SLP ang Project Dalisay na nangangalap ng lagda online upang tutulan ang pagsasabatas nito gayundin ang pagpapahinto sa CSE sa mga paaralan.
Muling iginiit ni Sarmen na sa tahanan nagsisimula ang mga tunay na pag-unlad kaya’t mahalagang pangalagaan ang kapakanan at pagtibayin ang ugnayan ng mga pamilya sa halip na sirain ang pundasyon nito.
“Strengthening family ties and fostering a culture of life and love must always remain at the heart of policymaking. Together, as a people of faith, we must continue to champion the sanctity of life, uphold the dignity of the family, and reject any measures that compromise these foundational truths,” giit ni Sarmen.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 52,116 total reads

 52,116 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 174,564 total reads

 174,564 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 259,932 total reads

 259,932 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 306,673 total reads

 306,673 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 354,539 total reads

 354,539 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 450,051 total reads

 450,051 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top