Pro-environment at pro-human rights candidate, ihalal sa May 2025 elections

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,305 total reads

Hinimok ng pinuno ng social at development arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan na tiyaking ang ihahalal na kandidato sa 2025 Midterm elections ay may paninindigan para sa kapakanan ng kalikasan at karapatang pantao.

Ayon kay Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, mahalagang suriing mabuti ang ‘credentials’ ng mga kandidatong tunay na itinataguyod ang kapakanan ng mamamayan at ng inang kalikasan.

Ginawa ni Bishop Bagaforo ang panawagan sa press conference ng Green Agenda Coalition noong March 21, 2025 sa isang restaurant sa Quezon City, kung saan inilunsad ang kampanyang Green Agenda 2025 kasama ang iba’t ibang environmental at human rights groups.

“The 2025 elections present a crucial opportunity for Filipinos to elect leaders who will uphold environmental protection and sustainable development. We cannot allow destructive policies and greed to dictate our future,” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Inilahad sa nasabing pagtitipon ang 11-Point Green Agenda, na tumutukoy sa mga polisiyang kailangang isulong ng mga kandidato para sa nalalapit na halalan.

Layunin nitong hamunin ang mga kandidato na mangakong ipagtatanggol ang kalikasan at bigyang-kapangyarihan ang mga botante na pumili ng mga lider na tunay na nagmamalasakit sa likas na yaman at sa kinabukasan ng bansa.

Kabilang sa mga prayoridad ng Green Agenda ang pangangalaga sa kalikasan, maayos at pangmatagalang pamamahala ng lupa at likas na yaman, pagsusulong ng katarungang pangklima at renewable energy, paggalang sa karapatan ng mga katutubo, at edukasyong pangkalikasan para sa ligtas at masaganang kinabukasan.

Iginiit naman ni Bishop Bagaforo na ngayon na ang tamang panahon para kumilos sa pamamagitan ng matalinong pagboto upang tunay na maisulong ang pagtugon sa mga suliraning nangyayari sa kapaligiran at mapangalagaan ang kapakanan ng mamamayang Pilipino.

“It’s time for governance that prioritizes both people and the planet,” giit ni Bishop Bagaforo.

Bilang bahagi ng kampanya, inilunsad din ng Green Agenda Coalition ang “G na Kay Gina, G na for Green Agenda” — isang makabago at masiglang paraan upang hikayatin ang suporta para sa kilusan.
Ang “G na,” isang salitang Gen Z na nangangahulugang “Game Na!” o “Go Na!”, ay nagsisilbing panawagan sa pagkilos, lalo na sa kabataan, upang aktibong makiisa sa pagsusulong ng mas luntian at mas ligtas na kinabukasan.

Layunin ng kampanya na ipakilala at isapuso ang Green Agenda sa pamamagitan ni Gina Gascon, isang avatar na kumakatawan sa diwa ng kilusan, na ang pangalan ay bilang pagpupugay sa dalawang haligi ng adbokasiya para sa kalikasan at karapatang pantao — ang yumaong sina Gina Lopez at Chito Gascon.

Nakasaad sa Evangelii Gaudium ni Pope Francis ang kanyang panalangin na madagdagan pa ang mga pulitikong tapat sa kanilang mga tungkulin at nakahandang tumugon para sa kabutihan ng mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 14,603 total reads

 14,603 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 50,196 total reads

 50,196 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 106,602 total reads

 106,602 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 229,544 total reads

 229,544 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 176,495 total reads

 176,495 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top