Programa ng DOST, i-aalign sa socio-economic agenda ng administrasyong Marcos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,014 total reads

Nangako ang bagong kalihim ng Department of Science and Technology (DOST) na ipagpapatuloy at paiigtingin ang mga nasimulang programa ng nakaraang administrasyon upang makatulong sa pagtugon sa pangangailangan ng lipunan.

Tiniyak ni bagong DOST Secretary Renato Solidum na patuloy na magiging epektibo ang iba’t ibang ahensyang saklaw ng kagawaran batay na rin sa mga layunin at programa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa mamamayan.

“Magaganda po ang programa ng DOST at ang kailangan po nating gawin ay puliduhin at i-allign ang mga programa ayon doon sa socio-economic agenda ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Marcos, Jr. upang makatulong tayo sa paglutas ng mga suliraning hinaharap ng ating bansa,” pahayag ni Solidum sa panayam ng Radio Veritas.

Tinukoy ng kalihim ang priority programs ng DOST tulad ng pagbibigay ng hanapbuhay sa tulong ng science, technology and innovation; food and health and resilience program; pagsusulong ng pangangalaga ng kalikasan sa pamamagitan ng hybrid technology; at ang patuloy na pagtataguyod sa DOST Scholarship Program.

Samantala, nagpaabot naman ng pagbati ang dating kalihim ng DOST na si Dr. Fortunato dela Peña sa pagkakahirang kay Solidum bilang bagong kalihim ng kagawaran.

Ayon kay dela Peña, tiyak na maaayos na magagampanan ni Solidum ang pagiging DOST Secretary upang patuloy na paglingkuran ang mamamayang Pilipino.

“He is a model public servant and I am very confident that he will continue with DOST’s programs/projects/activities in bringing science to serve our people and in bringing progress, inclusiveness, and competitiveness for our country through science, technology and innovation,” pahayag ni dela Peña.

Taong 1984 nang magsimula si Solidum sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) at naging direktor noong 2003 hanggang Pebrero 2017.

Itinalaga naman siya noong 2017 bilang DOST Disaster Risk Reduction Climate Change Adaptation Undersecretary ngunit nagpatuloy bilang officer-in-charge ng Phivolcs.

Si Solidum ay mayroong bachelor’s degree in Geology mula sa University of the Philippines, master’s degree in Geological Sciences mula sa University of Illinois, at doctorate degree in Earth Science mula naman sa University of California.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 70,415 total reads

 70,415 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 105,790 total reads

 105,790 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 141,090 total reads

 141,090 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 367,359 total reads

 367,359 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 256,839 total reads

 256,839 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 154,859 total reads

 154,859 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top