Programa ng Makati City laban sa climate change, pinuri ng ecology ministry ng Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,519 total reads

Suportado ng Archdiocese of Manila-Ministry on Ecology ang hakbang ng Makati City Government upang tugunan ang lumalalang epekto ng climate change sa lungsod.

Kasunod ito ng deklarasyon ng Makati City na isailalim sa state of climate emergency ang lungsod sanhi ng pagbabago ng klima ng kapaligiran.

Ayon kay Ecology Ministry Director Fr. Ric Valencia, nakababahala na ang mga pagbabago ng klima na nakakaapekto sa buhay ng bawat mamamayan lalo na sa Metro Manila.

Tinukoy ni Fr. Valencia ang lumalalang epekto ng polusyon sa hangin at pagtaas ng temperatura ng kapaligiran sanhi ng mga usok na nagmumula sa mga sasakyan at iba pang gawain ng tao.

“‘Yung adhikain ni Mayor Binay ay sana gawin ng lahat ng local government kasi ang mga LGU naman ang may kakayahang magpatupad niyan e. Full support din ang Archdiocese of Manila sa ikabubuti ng kapaligiran,” ayon kay Fr. Valencia.

Sa kasalukuyan, mahigpit na ipinapatupad sa Makati ang Solid Waste Management Code, Makati Green Building Code, plastic ban sa mga tahanan at business establishments, cigarette smoking ban, Anti-Smoke Belching Ordinance, at ang Greenhouse Gas Reduction Ordinance.

Binabalak rin ng lokal na pamahalaan na maglunsad ng humigit-kumulang 30 hanggang 50 electric bus sa taong 2024 bilang bahagi ng mga hakbang tungo sa pagbuo ng “smart and green” public transport system.

Umaasa naman si Fr. Valencia na tutularan ng ibang lokal na pamahalaan lalo na sa Metro Manila ang hakbang ng Makati City Government upang tuluyan nang matugunan ang lumalalang epekto ng nararanasang krisis sa kapaligiran.

Batay sa tala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nagkaroon ng 0.75 degrees Celsius na pagtaas sa taunang temperatura ng bansa sa nakalipas na 70 taon.

Inaasahang pagsapit ng taong 2050 ay aabot na sa 1.8 degrees Celsius ang antas ng temperatura sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 72,082 total reads

 72,082 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 107,308 total reads

 107,308 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 142,608 total reads

 142,608 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 368,877 total reads

 368,877 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 258,311 total reads

 258,311 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 154,916 total reads

 154,916 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top