Programa para sa mga miyembro, pinalawig pa ng PAG-IBIG fund

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 758 total reads

Palalawigin ng Pag-IBIG Fund ang mga programa ng institusyon na makatutulong sa mga miyembro nitong labis naapektuhan ng pandaigdigang krisis pangkalusugan.

Ayon kay Pag-IBIG Chairman at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Eduardo Del Rosario mas pinabuti nito ang mga programang tumugon sa pangangailangan ng mga kasapi ng institusyon.

“This year, we are lengthening the term of our cash loans from two years to three years to give borrowers more time to pay off their loans, and more importantly, to make its monthly payments lower,” bahagi ng pahayag ni Del Rosario.

Matatandaang noong 2020 naglunsad ng iba’t ibang programa ang Pag-IBIG Fund tulad ng pagpapalawig sa mga bayarin alinsunod na rin sa ipinatupad na Bayanihan Laws ng pamahalaan.

Ilan sa mga programa ang Multi-Purpose Loan (MPL) at Calamity Loan naman para sa mga lugar na napinsala ng mga kalamidad.
Sa nasabing programa makakahiram ng hanggang 80 porsyento sa total Pag-IBIG Regular Savings ang kasapi upang magamit sa kani-kanilang pangangailangan.

Ayon kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy Moti sa bagong programa ng institusyon mula sa dalawang taong palugit sa pagbabayad ng cash loans pinalawig ito hanggang 36 buwan o tatlong taon upang mabigyang sapat na panahon ang mga miyembro na mabayaran ang pagkakautang.

“Our members have the option to extend the term to 36 months. By choosing the longer payment period, members can enjoy significantly lower monthly payments,” ani Moti.
Dahil dito bumaba ng hanggang 28 porsyento ang monthly payment ng mga miyembro para sa MPL habang 31 porsyento naman ang ibinaba sa Calamity Loan.

Tiniyak ni Moti na patuloy gumagawa ng hakbang ang Pag-IBIG Fund upang matulungan ang mga miyembro lalo ngayong pandemya.

Sa tala nasa 25.42 billion pesos ang inilabas na pondo ng Pag-IBIG Fund mula Enero hanggang Hulyo kung saan nasa 1.1 milyong miyembro ang nakinabang sa pamamagitan ng cash loans.

“We are poised to help more members in the coming months, now that the extended payment term has made our cash loans even more affordable. We also made the process of applying for loans safer and more convenient by accepting loan applications online via the Virtual Pag-IBIG. This is Lingkod Pag-IBIG at work, especially when members need us most,” giit pa ni Moti.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 11,085 total reads

 11,085 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 12,390 total reads

 12,390 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 26,159 total reads

 26,159 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 63,537 total reads

 63,537 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 94,807 total reads

 94,807 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 170,354 total reads

 170,354 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 263,317 total reads

 263,317 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 11,086 total reads

 11,086 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top