Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

SHARE THE TRUTH

 157,843 total views

Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo?

Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura. Nakikita natin sa kanila ang isang tao na gusto nating maging o sundan. Itinuturing natin sila bilang mabubuting halimbawa. Hindi naman ito mali, pero paalala nga sa Galacia 4:18, “Hindi masama ang magpahalaga, kung mabuti ang layunin…”

Nagiging mapanganib na ang pag-idolo sa isang tao kung nauuwi na ito sa panatisismo. Kahit may mga ugali ang mga iniidolo na hindi tanggap ng iba o salungat sa inaasahan ng marami, mabuti at malinis pa rin sila sa mga mata ng mga panatiko. Kulang na lang ay sambahin nila ang mga idolo nila. Kung kakailanganin, handa silang magsakripisyo para sa tinitingala nila. 

Ganito marahil ang nag-udyok sa mga tagasuportang OFW ni dating Pangulong Duterte. Hindi nila tanggap ang pag-aresto sa kanilang iniidolong lider. Ramdam pa rin natin hanggang ngayon ang kanilang lungkot, galit, at hinanakit. Para igiit ang panawagan nilang pauwiin na sa Pilipinas ang dating presidente, nagdeklara silang hindi sila magpapadala ng remittance sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas. Naglunsad sila ng tinatawag nilang zero remittance week mula March 28 hanggang April 4.

Hindi natin maitatangging nakamamangha ang pagmamahal nila sa dating lider ng bansang humaharap sa kasong crimes against humanity. Marubdob marahil ang kanilang dasal sa Diyos na minsang tinawag na “stupid” ng kanilang idolo. Maliban sa pagiging mga bagong bayani ng ating bayan—salamat sa kanilang ipinapasok na pera para suportahan ang mga pamilya nila dito—handa rin nilang magsakripisyo para sa itinuturing nilang “tatay.”

At hindi lang perang pangsuporta sa kanilang pamilya ang handa nilang isakripisyo. Sa bansang Qatar, nagkilos-protesta ang mga umiidolo kay dating Pangulong Duterte kahit pa alam nilang ipinagbabawal ito ng pamahalaan doon. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, 17 na kababayan natin ang inaresto at ikinulong ng awtoridad. “Unauthorized political demonstration” ang turing ng gobyerno ng Qatar sa ginawa ng mga OFW.

Noong 2024, hindi bababa sa 8% ng ating gross domestic product—o yamang gawa o likha dito sa Pilipinas—ang katumbas ng remittances na ipinadala ng mga OFW. Mahigit 38.84 bilyong dolyar ito, mga Kapanalig. Mahigit dalawang milyong Pilipino ang naghahanapbuhay sa ibang bansa, at karamihan sa kanila ay mga contract workers. Mapipilay ang ating ekonomiya kung wala sila. 

May mga duda kung may epekto nga ba sa ating ekonomiya ang isang zero remittance week na panawagan ng mga tagasuporta ng dating presidente. May mga naniniwala ding hayaan na lamang ng ating gobyerno na harapin ng mga inaresto sa Qatar ang bunga ng kanilang ginawa. Anuman ang kahinatnan ng mga ito, malinaw na hatî ang ating bayan, lalo na sa usaping pulitika. 

Ito ang nakalulungkot. Sa isang banda, nauwi na sa panatisismo ang pag-idolo ng iba sa mga pulitiko, at may mga sinasamantala naman ito. Sa kabilang banda, mabilis ikahon at husgahan ng iba ang mga kababayan nating may ibang paninindigang pulitikal, at lalo silang itinutulak papalayo. 

Malayo ang nangyayari sa atin ngayon sa hangarin ng ating Simbahan na ang pulitika ay dapat na nagtutulak sa ating maging bahagi at makibahagi sa kinabibilangan nating bayan. Ito ay dapat na nag-uudyok sa ating maging parte ng pinagsasaluhan nating pagkakakakilanlan, o shared identity sa Ingles. Para mangyari ito, dapat mamayani ang pag-ibig (o caritas). Pag-ibig ang dapat nasa puso ng pulitika. 

Mga Kapanalig, ang pulitikang lumilikha ng hidwaan ay isang pulitikang hindi nakaugat sa pag-ibig. Napakalaki pa nga ng kailangan nating gawin—kasama ang Simbahan—para umiral ang isang pulitikang hindi nakabatay sa panatisismo, hindi ginagatungan ng pang-iinsulto. 

Sumainyo ang katotohanan.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 16,618 total views

 16,618 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 24,933 total views

 24,933 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 43,665 total views

 43,665 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 59,880 total views

 59,880 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 61,144 total views

 61,144 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 16,619 total views

 16,619 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 24,934 total views

 24,934 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 43,666 total views

 43,666 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 59,881 total views

 59,881 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 61,145 total views

 61,145 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 53,748 total views

 53,748 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 53,973 total views

 53,973 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 46,675 total views

 46,675 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 82,220 total views

 82,220 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 91,096 total views

 91,096 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 102,174 total views

 102,174 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahinahunan

 124,583 total views

 124,583 total views Maging mahinahon… Pagtitimpi… mahabang pasensiya at pang-uunawa. Kapanalig ito ay isang hamon sa ating mamamayang Pilipino, sa ating sarili sa gitna ng kinaharap

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 143,301 total views

 143,301 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 151,050 total views

 151,050 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top