Radio Veritas, kinilala ng Papal Nuncio to the Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 760 total views

Kinilala ng opisyal ng Vatican ang Radio Veritas 846 sa pagiging katuwang ng Simbahan sa paghahatid ng misyon ng Panginoon sa sambayanan.

Ayon kay Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown, mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng media arm ng Archdiocese of Manila sa misyon ng Simbahan.

“Radio Veritas is faithful to its mission of proclaiming the truth even the in the most challenging and difficult circumstances,” pahayag ni Archbishop Brown sa Radio Veritas.

Sinabi ng Nuncio na bilang Radyo ng Simbahan ay ginagampanan nito ang natatanging misyon sa ebanghelisasyon sa bansa lalo’t ipinagdiwang nito ang ikalimang sentenaryo ng Kristiyanismo.

Batid ng kinatawan ni Pope Francis ang ginampanan ng Radio Veritas nang manindigan ito noong Martial law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na naging daan upang magtipon ang mamamayan sa EDSA kasunod ng panawagan ni noo’y Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin.

Hamon ng Nuncio sa pamunuan ng Radio Veritas na patuloy itaguyod ang katotohanan ayon sa sinasaad ng ebanghelyo ng Panginoon.

“Let us pray that Radio Veritas will always be faithful to its mission of transmitting the truth in our own time and into the future,” ani Archbishop Brown.

Samantala pinuri rin ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang himpilan sa paghahatid ng Mabuting Balita sa pamayanan gamit ang iba’t ibang uri ng media platform.

Sa pagdiriwang ng ika – 53 anibersaryo ng Radio Veritas Asia at Radio Veritas 846 pinalawak nito ang mga plataporma kung saan mapapanuod ang mga programa ng himpilan bukod sa radyo at social media mapapanuod na rin ang Radio Veritas 846 sa Veritas TV sa Sky Cable 211.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 121,900 total views

 121,900 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 165,508 total views

 165,508 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 246,952 total views

 246,952 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 253,827 total views

 253,827 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top