Ratio for Permanent Deacons, inaprubahan ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,988 total reads

Pinagtibay sa 129th Plenary Assembly ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang Ratio for permanent deacon para sa pagpapatupad ng Permanent Diaconate sa mga simbahan sa Pilipinas.

Ayon kay Novaliches Bishop Roberto Gaa, ito ay kabilang sa mga usaping pinagkasunduan ng katatapos lang na pagtitipon ng mga obispo na ginanap sa Laguna.

Sinabi ng obispo, na kailangan na lamang isimute ng CBCP ang napagkasunduan ng mga obispo na siyang magsisilbing gabay para sa permanent deacon sa Vatican, bilang pagkilala.

“In-approve yung Ratio for Permanent Deacons, so ibig sabihin po nun, pwede na nating i-submit, yung napag-usapan po dito sa CBCP at ito po ay parang…ginagawa na po ngayon ng Vatican, hindi na po sila nag-a-approve they just recognize it, they just acknowledge it. So yun po ang mangyayari,” ayon kay Bishop Gaa sa panayam ng programang Barangay Simbayanan.

Ang ratio ay isang opisyal na dokumentong nagtatakda ng batayan at gabay sa buong mundo para sa tamang paghubog at pagsasabuhay ng bokasyon ng isang permanenteng diakono sa Simbahang Katoliko.

Sa kabila nito, sinabi naman ng obispo na hindi naman obligado ang bawat simbahan na magkaroon ng permanenteng deacons, kung hindi naman kinakailangan.

Ang permanenteng diakono o permanent deacon ay isang ordenadong lingkod ng Simbahang Katoliko na may tungkuling tumulong sa mga pari at obispo sa kanilang pastoral na gawain.

Maaring maging permanent deacon ang mga may-asawa, subalit kung walang asawa bago naordinahan ay hindi na ito maari pang mag-asawa. Para naman sa mga dating seminarista, kinakailangang 10-taon na itong nakalabas ng seminaryo.

Sinabi pa ni Bishop Gaa na ayon pa sa ratio, walang obligasyon ang simbahan na bigyan ng suweldo ang mga permanenteng diakono.

“It is really out of the generosity of people, that, if ever they give they will give out of generosity. Pero hindi po obligado ang simbahan na bigyan siya ng suweldo. Kaya ang inaano po doon, sana nga po ay more or less-economically stable. They are able to feed for themselves,” ayon pa sa obispo.

Kabilang sa kanilang tungkulin ang pagpapahayag ng Ebanghelyo, pangangaral, katekesis, at pagbibinyag, gayundin ang magbigay ng homiliya sa Misa, magkasal (kung may pahintulot), at magdala ng Eukaristiya sa maysakit.

May tungkulin din ang mga permanent deacon sa paglilingkod bilang katuwang sa gawaing pangkawanggawa, pagtulong sa mahihirap, at pastoral na gawain sa mga komunidad.

September 2023 nang aprubahan ng Santo Papa ang pagkakaroon ng permanent deacon sa Pilipinas, isang buwan matapos na hilingin ito ng CBCP.

Sa liham, sinabi ng noo’y si Bishop Pablo Virgilio David, pangulo ng CBCP; “The restoration of permanent diaconate in the Philippines will enliven even more the engagement of the lay faithful in society.”

Ang Permanent Deacons ay karaniwan sa Estados Unidos at Europa na bagama’t matagal nang umiiral ay pormal na kinilala noong 1967 sa ilalim ng pamumuno ni Pope Paul VI.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 124,035 total reads

 124,035 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 218,064 total reads

 218,064 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 262,332 total reads

 262,332 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 285,440 total reads

 285,440 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 354,822 total reads

 354,822 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top