Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Rector ng Pontificio Collegio Filippino, humiling ng panalangin para sa formation of Priest sa Rome

SHARE THE TRUTH

 29,584 total views

Umapela si Pontificio Collegio Filippino Rector Fr. Gregory Gaston sa bawat mananampalataya na ipanalangin ang paghuhubog at pagpapanibago ng mga pari upang patuloy na makapaglingkod sa kawan ng Panginoon.

Ito ang panawagan ng Pari kaugnay sa pagtatapos ng limang araw na International Conference for the Ongoing Formation of Priests sa Roma na dinaluhan ng may 800 lingkod ng Simbahan mula sa iba’t ibang bansa kabilang na ang may 50 pari at obispo mula sa Pilipinas.

“Ipagdasal niyo kaming mga kaparian na patuloy yung aming formation, patuloy yung aming paghuhubog, para sa ganung paraan ay patuloy kaming makapag-serve sa inyo. Patuloy kayong magdasal, patuloy kami dito kasi
international conference mga 800 nakalista sa conference galing sa buong mundo, mga 50 galing sa Philippines marami tayong mga kaparian at meron tayong mga Obispo na nandito din.” Bahagi ng mensahe ni Fr. Gaston sa Radio Veritas.

Pagbabahagi ni Fr. Gaston, mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng pamilya sa paghubog sa mga nagnanais na magsilbing lingkod ng Simbahan sapagkat sa pamilya nagsisimula ang maagang paghuhubog sa mabuting asal, pagdarasal, tiyaga, at katatagan.

Paliwanag ng Pari, ang pagpasok sa seminaryo ay maituturing lamang din na pinakamaikling formation ng isang magpapari sapagkat bago pa ito ay mas makabuluhan at pangmatagalan ang pagkahubog ng bawat isa mula sa pamilya, komunidad, paaralan at parokya na kanilang kinabibilangan kung saan mahuhubog na rin ang pakikipagkapwa tao ng isang indibidwal.

“Yung seminary ay ang shortest period of formation kasi bago pumasok sa Seminary may paghuhubog na lalo na sa pamilya, sana ay turuan ninyo ang inyong anak magdasal at maging mabait, ng values, maging masipag mag-aral dapat masipag mag-aral kas inga mahaba-haba yung pag-aaralan and then sana ay nagrerespeto sa mga nakakatanda, masipag, matulungin, sana ay maraming kaibigan dapat maraming kaibigan kasi kapag pumasok sa seminary later on kapag naging pari na dapat ay open na open sa mga ibang tao” Dagdag pa ni Fr. Gaston.

Ayon sa Pari, naaakma din ito sa mensahe ng Santo Papa Francisco sa mga delegado na “Ang sinabi niya dapat ay human, fully human tayo hindi lamang spiritual lahat tayo ay human, mga tao tayo… sabi ni Pope Francis maraming punto niya sinabi niya rin yung Pari kahit matanda na yung Pari dapat ay marunong makipaglaro, makipaglaro sa mga kabataan hindi naman pwedeng kapag tumanda na hindi na pala siya tao, hindi na marunong makipaghalubilo sa kapwa.”

Pinangunahan ng ilang mga opisyal ng Kalipunan ng mga Obispo sa Pilipinas ang 50-delegado ng Pilipinas na dumalo sa limang araw na pagtitipon na kinabibilangan nina Jaro, Iloilo Archbishop Jose Romeo Lazo – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Clergy, Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona – member ng CBCP-Episcopal Commission on Clergy, Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo – chairman ng CBCP-Office on Stewardship, Daet Bishop Rex Andrew Alarcon – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Youth at Laoag Bishop Renato Mayugba – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Biblical Apostolate.

Nagsilbi namang isa sa tagapagsalita para sa ikatlong araw ng pagtitipon si Archbishop Lazo na tinalakay ang paksang ‘Having priests feel “at home”: the role of the Bishop and the diocesan community’.

Tema ng International Conference for the Ongoing Formation of Priests ang “Fan into a flame the gift of God that you possess” na isinagawa sa Auditorium Conciliazione, Paul VI Audience Hall sa St. Peter’s Basilica sa Roma mula noong ika-6 hanggang ika-10 ng Pebrero, 2024.

Pinangasiwaan ang pagtitipon ng Dicastery for the Clergy na pinamumunuan ni Cardinal Lazzaro You Heung-sik katuwang sina Cardinal Claudio Gugerotti, Prefect of the Dicastery for the Eastern Churches; at Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro-Prefect of the Dicastery for Evangelization.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Silipin din ang DENR

 798 total views

 798 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Prayer Power

 47,328 total views

 47,328 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 84,809 total views

 84,809 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 116,796 total views

 116,796 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 161,508 total views

 161,508 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 11,481 total views

 11,481 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 21,843 total views

 21,843 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 11,482 total views

 11,482 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »

SLP, nanawagan ng katarungan sa ICC

 61,869 total views

 61,869 total views Nanawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO) ng katarungan sa gitna ng ulat ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa mga maanomalyaang

Read More »

Walang itinatakwil ang Panginoon

 39,457 total views

 39,457 total views Binigyang-diin ni Tandag Bishop Raul Dael na walang sinuman ang itinatakwil o itinuring na walang pag-asa ng Diyos, maging ang mga Persons Deprived

Read More »

PDL’s, mga anak ng Diyos-Bishop Florencio

 46,396 total views

 46,396 total views Binigyang-diin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC), na kailanman ay

Read More »
Scroll to Top