Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Rector ng Quiapo church, itinalagang Obispo ng Balanga ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

 22,442 total views

Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Fr. Rufino Sescon, Jr. bilang ikalimang obispo ng Diocese of Balanga sa Bataan.

Kasalukuyang Kura Paroko at Rector ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno o Quiapo Church si Bishop-elect Sescon kung saan itinaon ang pag-anunsyo ngayong araw December 3 kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ni San Francisco Javier.

Si Bishop-elect Sescon ang hahalili kay Bishop Ruperto Santos na itinalagang obispo ng Diocese of Antipolo noong May 24, 2023.

Ipinanganak ang pari noong April 20 1972 at inordinahang pari ng Archdiocese of Manila noong September 19, 1998.

Bago pangasiwaan ang Quiapo Church, naging private secretary ni dating Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin, chancellor at administrator ng Villa San Miguel, chaplain ng Sto. Niño de Paz Chapel o Greenbelt Chapel mula taong 2005, Priest-in-charge ng Mary, Mother of Hope Chapel Landmark sa Makati City.

Ilan sa mga katungkulan ng pari sa arkidiyosesis ang commissioner ng Formation of the Laity and Christian Communities, director ng San Lorenzo Ruiz Lay Formation Center, at kasapi ng Presbyteral Council.

Ang Diocese of Balanga na sede vacante mula May 2023 ay pansamantalang pinangangasiwaan ni San Fernando Pampanga Archbishop Florentino Lavarias mula July 2023.

Ipapastol ni Bishop-elect Sescon ang mahigit kalahating milyong katoliko ng Bataan katuwang ang 34 na mga pari sa halos 40 mga parokya ng lalawigan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kaunlarang may katarungan

 60,760 total views

 60,760 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 84,545 total views

 84,545 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Kasakiman at karahasan

 96,780 total views

 96,780 total views Mga Kapanalig, ilang araw pa lang nang salubungin ng buong mundo ang taóng 2026, binulaga ang lahat ng tinatawag na “large-scale strike” ng

Read More »

Lingkod-bayan, hindi idolo

 282,228 total views

 282,228 total views Mga Kapanalig, ano ang isasagot ninyo sa tanong na ito: maaari bang pakisabi kung gaano kalaki o kaliit ang inyong pagtitiwala kay Pangulong

Read More »

Bumaba naman ang mga nasa itaas

 312,097 total views

 312,097 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa Mga Kawikaan 15:1: “Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugóng marahas, poot ay hindi mawawaglit.” Ipinahihiwatig

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Environment
Michael Añonuevo

Hayuma, inilunsad ng Caritas Philippines

 47,276 total views

 47,276 total views Binigyang-diin ng mga lider ng simbahan ang pangangailangang suriin at palalimin ang pagtugon ng Simbahan sa panawagan ng Laudato Si’ makalipas ang isang

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top