VeritasPH

The Word, The Truth

REFAM, umaapela sa LGU at mamamayan na tutulan ang pagmimina sa Sibuyan Island

SHARE THE TRUTH

 654 total views

Umapela ang Romblon Ecumenical Forum Against Mining (REFAM) sa mga lokal na opisyal ng lalawigan ng Romblon, lalo na sa bayan ng San Fernando upang tutulan ang pagmimina sa Sibuyan Island.

Sa pahayag ng REFAM, sinabi nito na dapat manindigan ang mga opisyal laban sa pagpasok ng industriya ng pagmimina sa kanilang mga kinasasakupan upang patunayan ang kanilang pagiging mabubuting katiwala ng sangnilikha at mga lingkod-bayan.

“Listen to your people. Choose life for ‘choosing life means making sacrifices and self-restraint’,” panawagan ng REFAM.

Pinangangambahang mapinsala ng Altai Philippines Mining Corporation ang mga iniingatang likas na yaman ng Sibuyan Island dahil sa pagnanais na magsagawa ng operasyon dito.

Ang isla ay kilalang mayaman sa ginto kaya maraming mining companies ang nagnanais na makapasok dito.

Kabilang naman sa mga lumagda sa panawagan ay sina Romblon Bishop Narciso Abellana; Romblon Diocesan Ecumenism and Inter-Religious Affairs Director Father Ethelbert Magbata; Living Laudato Si’ Philippines Executive Director Rodne Galicha; at iba pang kinatawan mula sa iba’t ibang denominasyon.

Taong 2011 nang itatag ang REFAM ng mga pinuno mula sa iba’t ibang denominasyon at pananampalataya na naglalayong itaguyod ang kaligtasan ng mga likas na yaman at mamamayan ng Romblon laban sa epekto ng mga mapaminsalang proyekto tulad ng pagmimina.

Sang-ayon sa Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco, mariin nitong tinututulan ang industriya ng pagmimina dahil nag-iiwan lamang ito ng labis na pinsala sa mga komunidad at nakadaragdag sa paghihirap ng mamamayan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 6,387 total views

 6,387 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 14,372 total views

 14,372 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 21,908 total views

 21,908 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 37,894 total views

 37,894 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 45,938 total views

 45,938 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Parokya at mga katolikong institusyon, hinikayat ng Caritas Philippines na makilahok sa 10 Million Solar Rooftops Challenge

 417 total views

 417 total views Nakiisa ang Caritas Philippines sa 10 Million Solar Rooftops Challenge bilang bahagi ng misyon ng Simbahan na pangalagaan ang kalikasan at itaguyod ang napapanatiling pag-unlad ng bansa. Ang proyekto ay umani rin ng suporta sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at sa ginanap na 41st National Social Action General Assembly (NASAGA)

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Mananampalataya, hinikayat na makibahagi sa kapistahan ni San Kamilo de Lellis

 2,166 total views

 2,166 total views Inaanyayahan ng Camillian Philippine Province ang mga mananampalataya na makibahagi sa pagdiriwang ng kapistahan ni San Kamilo de Lellis. Dalangin ni Camillian Philippines Provincial Vicar, Fr. Dan Cancino, MI na ang kabanalan ni San Kamilo nawa’y mag-akay sa lahat ng mga naghihirap dulot ng iniindang mga karamdaman patungo sa kagalingan at pag-asang hatid

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Mamamayan, pinaalalahanan ng NFP na kumain ng masustansiyang pagkain

 3,737 total views

 3,737 total views Pinaalalahanan ng Nutrition Foundation of the Philippines (NFP) ang mamamayan na sikaping kumain ng sapat, balanse, at masustansiyang pagkain araw-araw. Ayon kay NFP Board Secretary, Nutritionist and Dietitian Rhea Benevides-de Leon, mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na dami at wastong kombinasyon ng mga pagkain upang magkaroon ng malusog na pangangatawan. Ibinahagi ni de

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Filipino parents, hinimok ng CBCP na bigyan ng sapat na nutrisyon ang mga bata

 4,412 total views

 4,412 total views Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang mga magulang na pagtuunan ang pagbibigay ng sapat na nutrisyon sa mga bata. Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary, Camillian Father Rodolfo Vicente “Dan” Cancino, mahalagang sa tahanan pa lamang ay nauumpisahan na ang pagbibigay at pagkakaroon ng kaalaman hinggil sa

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Advincula na maging saksi ni Kristo

 3,399 total views

 3,399 total views Pinaalalahanan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na maging kasangkapan sa pagpapadaloy ng biyaya at pagpapatotoo kay Kristo. Sa pagninilay para sa solemn declaration ng Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist sa Taytay, Rizal nitong Hulyo 9, hinimok ni Cardinal Advincula ang bawat isa na

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Parish of St.John the Baptist, ideklarang minor basilica

 3,708 total views

 3,708 total views Isabuhay at ipalaganap ang pagiging mapagpakumbaba katulad ni San Juan Bautista. Ito ang bahagi ng welcome message ni Antipolo Bishop Ruperto Santos para sa solemn declaration ng Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist sa Taytay, Rizal. Ayon kay Bishop Santos, ang pagtataas sa Parokya ng San Juan Bautista bilang basilika

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Masungi Georeserve, hindi itinayo upang pagkakakitaan

 7,869 total views

 7,869 total views Nilinaw ng Masungi Georeserve Foundation, Inc. (MGFI) na hindi itinayo ang Masungi Georeserve upang pagkakitaan at magsilbing lugar-libangan. Ito ang tugon ng institusyon sa pahayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nagsasaad na ang mga gawain sa loob ng Masungi Georeserve ay maituturing na labag sa batas. Ayon sa MGFI,

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Aktor na si Leonardo Di Caprio, nananawagang pangalagaan ang Masungi Geopark

 8,420 total views

 8,420 total views Nakikiisa si Hollywood actor at environmental activist Leonardo DiCaprio sa panawagang pangalagaan ang Masungi Geopark Project laban sa mga mapaminsalang pag-unlad na nakakaapekto sa itinuturing na protected area. Sa instagram post, hinikayat ni DiCaprio si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na kumilos upang mapaigting at maipagpatuloy ang hangaring mapangalagaan Masungi Geopark laban sa mga

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Mamamayan, pinag-iingat ng CBCP sa tag-ulan

 8,697 total views

 8,697 total views Muling hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang publiko na panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran ngayong tag-ulan. Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary, Camillian Fr. Rodolfo Vicente “Dan” Cancino, na ngayong tag-ulan ay inaasahan na rin ang unti-unting pagpasok ng La Niña Phenomenon kung saan higit na mararanasan

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Tularan si Apostol San Pedro at San Pablo,hamon sa mga mananampalataya

 7,289 total views

 7,289 total views Hinamon ng kura paroko ng Sts. Peter and Paul Parish, Poblacion, Makati City ang bawat isa na patatagin ang pananampalataya katulad ng ipinahayag nina Apostol San Pedro at San Pablo bilang mga tagasunod ni Kristo. Ayon kay Fr. Kristoffer Habal, ang bawat isa ay inaanyayahan na higit pang palalimin ang pananampalataya sapagkat ito

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Kaligtasan ng mga bata sa nakakalasong kemikal, pinatutukan ng BAN Toxics

 15,206 total views

 15,206 total views Pinatutukan ng BAN Toxics ang kaligtasan ng mga bata mula sa mga nakalalasong kemikal kasabay ng pagdiriwang sa National Poison Prevention Week 2024. Ayon kay BAN Toxics advocacy and campaign officer Thony Dizon, mahalagang magsimula sa mga tahanan at paaralan ang pangangalaga sa mga bata upang maiwasan ang pagkakalantad sa mga mapanganib na

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Social action ministers, hinimok ng CBCP na ire-orient ang priorities

 18,385 total views

 18,385 total views Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang social action ministers na ituon ang pansin sa pagbabago ng lipunan kaakibat ang mga gawaing pagtulong at pag-unlad ng pamayanan. Ayon kay CBCP president, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, kabilang dito ang mga programa at inisyatibo para sa pulitika, ekonomiya, at kultura. Ginawa ni

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Love is the hallmark of what being a Christian-Bishop Bagaforo

 18,421 total views

 18,421 total views Binigyang-diin ni Caritas Philippines President Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang kahalagahan ng pag-ibig at habag bilang katangian ng pagiging mabuting Kristiyano. Sa Banal na Misa para sa ikalawang araw ng 41st National Social Action General Assembly (NASAGA) sa Jaro, Iloilo, ibinahagi ni Bishop Bagaforo na pangunahing tanda ng pagiging tagasunod ni Kristo

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagtataglay ng binhi ng pananampalataya, pag-ibig at katarungan,panalangin ng Obispo sa bawat kristiyano

 21,695 total views

 21,695 total views Umaasa si Jaro Archbishop Jose Romeo Lazo na ang bawat binyagang kristiyano ay nagtataglay ng binhi ng pananampalataya, pag-ibig, at katarungan sa kanyang puso. Ayon kay Archbishop Lazo, ang binhing ito’y kailangang lumago upang patuloy na maisabuhay at maipalaganap sa bawat pamayanan tungo sa pagkakaroon ng maayos at mapayapang lipunan. Ang pagninilay ng

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Magkaroon ng social responsibility ang mga Pilipino, misyon ng ika-41 NASAGA

 21,464 total views

 21,464 total views Umaasa si Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na magdulot ng positibong epekto sa mamamayan ang mga pinagtitibay na layunin ng social, advocacy, at development arm ng simbahan para sa kaayusan ng lipunan. Ayon kay Bishop Bagaforo, nais ng simbahan na maipalaganap ang pananagutang panlipunan upang higit na maunawaan at makaangkop

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top