Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 1,024 total views

Sanay tayo, kapanalig, na itumbas ang resilience sa pagbangon o recovery sa anumang trahedya na ating napagdaanan. Sanay tayo na ikasing-kahulugan ang resilience sa pagiging matiisin sa bawat paghihirap na nararanasan. Tama ba na ganito ang ating pananaw ukol sa resilience?

Ayon sa UN, ang resilience ay ability of a system, community or society exposed to hazards to resist, absorb, accommodate to, and recover from the effects of a hazard in a timely and efficient manner, including through the preservation and restoration of its essential basic structures and functions. Base sa depinisyon na ito, hindi lamang ukol sa recovery ang resilience, kapanalig. Ito rin ay abilidad na kailangan bago pa man, o habang nakakaranas ng panganib.

Nitong nakaraang taon, hindi naging maganda ang performance ng ating bayan sa Covid-19 Resilience Ranking, 2021. Pangalawa tayo sa huli kapanalig, at mahirap man tanggapin, kailangan natin suriin kung bakit nangyari ito. Sa pagsusuri nito, marami tayong mga leksyon na maaring matutunan na tutulong sa atin na maging mas matatag pa bilang lipunan laban sa mga krisis gaya ng pandemya.

May isa ring pag-aaral noong 2018 na sumukat naman ng resiliency ng mga kabahayan sa Compostela Valley laban sa mga climate-induced landslides at flashfloods. Nakita ng pag-aaral na ito na maaring naka-depende pa rin sa external assistance ang mga vulnerable households upang makabangon sa mga mga kalamidad.

Mahalaga, kapanalig, na ating masukat ang resiliency ng Filipino. Malaki ang maitutulong nito upang ating maunawaan na ang resilience ay hindi lamang ukol sa pagbangon at pagtitiis, ito rin ay para sa paghahanda at pagkilos. Ang ating bansa ay bulnerable sa mga natural disasters, gaya ng bagyo, lindol, pati pagputok ng bulkan kaya’t napakahalaga na hindi makitid ang ating pananaw ukol sa resiliency.

Kapanalig, ang resilience ng indibidwal at lipunan ay mahalaga sa ating quality of life. Ang kawalan ng kahandaan at kapabilidad na umiwas o humarap, lumaban o magparaya, at bumangon sa anumang paghihirap, kasama na ang kawalan ng kakayahang magdesisyon kung ano ang gagawin,  ay nagbibigay sa mga tao ng undue anxiety, stress, at minsan, depression. Lahat ng ito ay nagpapababa ng kalidad ng ating buhay.

Kapanalig, ang mga sakuna, gaya halimbawa ng mg epekto ng climate change, ay hindi lamang political o partisan o pang-indibidwal na issue. Ayon nga sa Global Climate Change: A Plea for Dialogue, Prudence, and the Common Good, ang mga sakunang gaya nito ay ukol sa kinabukasan ng nilikha ng Panginoon at ng ating “human family.” Kaya nga’t napakahalaga ng tunay na resilience. Kung tunay nating mauuwaan ito, ang pagharap natin sa anumang sakuna ay mas akma, at mas magbibigay sa ating lipunan ng sapat na kakakayahan at abilidad na humarap sa kahit anumang krisis o problema.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAN ON ONLINE GAMBLING

 51,376 total views

 51,376 total views Ipagbawal ang online gambling? Malabo., malayo pa ito sa katotohanan., hindi ito mangyayari! Sa kabila ng malakas na sigaw ng simbahan, mga mambabatas,

Read More »

IN AID OF SECRECY

 69,171 total views

 69,171 total views Sa kanyang ikaapat na SONA, nagalit ang pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang masaksihan sa mga evacuation center ang naglilimahid at nakakaawang sitwasyon ng

Read More »

CLIMATE INJUSTICE

 81,617 total views

 81,617 total views Kapanalig, ang climate injustice ay matagal ng pinapasan ng mga mahihirap na bansa katulad ng Pilipinas. Sa encyclical na “Laudato Si’, Ang sangkatauhan

Read More »

Promotor ng sugal

 97,568 total views

 97,567 total views Mga Kapanalig, kung kayo ay kawani ng gobyerno, ang pangunahing masasandalan ninyo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa pagreretiro, ay ang Government

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

BAN ON ONLINE GAMBLING

 51,378 total views

 51,378 total views Ipagbawal ang online gambling? Malabo., malayo pa ito sa katotohanan., hindi ito mangyayari! Sa kabila ng malakas na sigaw ng simbahan, mga mambabatas,

Read More »

IN AID OF SECRECY

 69,173 total views

 69,173 total views Sa kanyang ikaapat na SONA, nagalit ang pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang masaksihan sa mga evacuation center ang naglilimahid at nakakaawang sitwasyon ng

Read More »

CLIMATE INJUSTICE

 81,619 total views

 81,619 total views Kapanalig, ang climate injustice ay matagal ng pinapasan ng mga mahihirap na bansa katulad ng Pilipinas. Sa encyclical na “Laudato Si’, Ang sangkatauhan

Read More »

Promotor ng sugal

 97,569 total views

 97,569 total views Mga Kapanalig, kung kayo ay kawani ng gobyerno, ang pangunahing masasandalan ninyo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa pagreretiro, ay ang Government

Read More »

Premyo para sa mga kaalyado?

 99,879 total views

 99,879 total views Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga

Read More »

Senadong tumalikod sa tungkulin

 111,724 total views

 111,724 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 152,411 total views

 152,411 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 181,684 total views

 181,684 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »

Mga sangandaan sa usapin ng enerhiya

 131,352 total views

 131,352 total views Mga Kapanalig, para kay Pangulong Bongbong Marcos Jr, kilalang-kilala raw tayo sa buong mundo dahil sa pagsusulong natin ng renewable energy. Sa kanyang

Read More »
Scroll to Top