Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 1,172 total views

Ano ba ang resilience, kapanalig? Bakit ba lagi itong dinidikit sa ating mga Filipino? Tunay nga ba tayong resilient?

Ang resilience kapanalig, ay ang kakayahang malampasan at bumangon mula sa anumang lubhang paghihirap, problema, o krisis. Dinidikit ang katagang ito sa atin lagi dahil kada may sakuna, ang ating mga mamamayan ay hindi nagpapatalo—bumabangon agad, bumabawi agad, at nakangiti agad. Pero kapanalig, tunay ba tayong resilient?

Nitong 2021, umabot ng P61 billion ang pinsala ng mga sakuna sa ating bayan. At sa bawat sakunang dumaan, ang mga mahihirap ang mas nagbabayad – mas maraming buhay at kabuhayan ang nawawala sa kanilang hanay. Dahil dito, hindi sila maka-alpas ng kahirapan. Paulit ulit na lang. At dahil paulit paulit ang pakikibaka kahit hirap, “resilient” na ang tawag sa kanila. Hindi ito resilience, kapanalig, Yan ay pagtitiis. Yan ay sakripisyo. Yan ay pagkatalo. Walang Filipino ang dapat lagi na lamang nakikibaka sa sakuna at hirap.

Kapanalig, pag laging inaasa sa mga balikat ng karaniwang mamamayan ang pagbangon ng pamayanan at bansa, tinatanggal natin ang responsibilidad ng lokal at nasyonal na pamahalaan na bigyang kalinga at tulong ang nasasakupan nila. Ang buwis natin ay nakalaan hindi lamang para sa pagtatayo ng mga imprastraktura. Kasama din dito ang integrasyon ng resilient features, pati na ang emergency at relief funds para sa mga mamamayang nabiktima ng sakuna. Sa kakatayo nating mag-isa, baka nasanay na ang mga pinuno ng bayan na tingnan na lamang tayo. O baka aasa din lamang sila sa donasyon ng mga lokal at internasyonal na organisasyon? May buwis na regular na kinakaltas sa atin. Those taxes should work for us.

Kapanalig, mas magiging resilient din ang mga mamamayan kapag may nakalatag na maayos na social protection program ang bayan. Sabi nga ng isang pag-aaral ng NEDA: the country needs a transformative social protection system that empowers every Filipino to prevent, respond to, and recover from possible shocks. Hindi lamang dapat hanggang emergency relief at post disaster action ang ginagawa ng mga leaders natin. Dapat may social protection ang mga tao para pag dumating ang bagyo at anumang krisis sa buhay, may madudukot sila. Ang nangyayari ngayon kapanalig, parang tayo palagi ang nadudukutan. Ang sakit makita na marangya ang buhay ng ating mga pinuno habang milyong milyong Filipino ang nagdurusa.

Sabi sa Rerum Novarum: “Ang kaligtasan ng mamamayan ay hindi lamang ang unang batas, ito rin ang buong dahilan kung bakit tayo ay may gobyerno. Ayon sa Ebanghelyo, ang layunin ng pamahalaan ay hindi ang kapakinabangan ng namumuno, kundi ng kanyang mga pinagsisilbihan.”

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 17,435 total views

 17,435 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 31,495 total views

 31,495 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 50,066 total views

 50,066 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 74,823 total views

 74,823 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

THEATRE OF THE ABSURD

 17,436 total views

 17,436 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 31,496 total views

 31,496 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 50,067 total views

 50,067 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 74,824 total views

 74,824 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 70,690 total views

 70,690 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 94,388 total views

 94,388 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 103,100 total views

 103,100 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 106,731 total views

 106,731 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 109,287 total views

 109,287 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »
1234567