Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Restorative justice advocacy ng Simbahan, pinalakas pa

SHARE THE TRUTH

 225 total views

Lumagda ang Caritas Manila Restorative Justice Ministry at Department of Justice sa isang memorandum of agreement upang lalong palakasin ang formation program sa mga bilanggo.

Itinuturing ni Caritas Manila executive director at Radio Veritas President Father Anton CT Pascual na isang nakapagandang development ng ugnayan ng Simbahan sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsanib puwersa upang tulungan ang mga bilanggo na makapagbagong buhay at makabalik sa lipunan.

Ayon kay Father Pascual, pinalalakas ng kasunduan ang adbokasiya ng Simbahan sa pagbibigay ng spiritual at material na gabay sa mga preso.

“Ito’y napakahalaga lalung-lalo na sa administrasyon ni President Digong na na-renew ang partnership sa pagitan ng Caritas Restorative Justice Ministry, Bureau of Corrections at D-O-J for the next 3 years. Ito ay isang napakagandang development sa ating ugnayan sa pamahalaan para matulungan ang ating mga bilanggo na makapagbagong buhay at mabigyan ng bagong pag-asa na maging mabuting mamamayan. Mayroon tayong mga spiritual formation, livelihood program, sacramental appreciation at values formation sa mga bilanggo sa national bilibid.”pahayag ni Father Pascual sa Radio Veritas

Sinabi ng pari na pagpapatunay din ito na ang Simbahan at pamahalaan ay dapat magkaisa at magtulungan para sa common good dahil iisang mamamayan ang pinaglilingkuran nito.

Tiniyak naman ni DOJ undersecretary Atty. Reynante Orceo na ang M-O-A ay tunay na magpapalakas at magpapatibay sa mga programa ng Caritas Manila sa loob ng mga bilangguan.

Nilinaw ni Orceo na mas bibigyan ng malaka na recognition ang mga bilanggo na dumaan sa training at programa ng Caritas Manila para mabawasan ang kanilang sentensiya kapag sila ay maka-graduate.

“Tama po, magkakaroon ng hindi lamang moral and spiritual aspect kundi may legal side na yung ginagawa ng Caritas dahil magkakaroon na ito ng recognition para yung magga-graduate ay babawasan ang prison terms. And at the same time it’s a dual approach yung mga inmates ay pupuwede na magkakaron ng pag-asa na kapag umattend pala ng Caritas trainee meron silang pagkakataon na mabawasan ang kanilang mga sentensiya.”paglilinaw ni Orceo

Naninindigan si Orceo na mahalaga ang formation aspect sa mga bilanggo dahil alam niya na habang may buhay ang tao ay may pag-asa na magbago.

Iginiit din ni Atty. Benjamin de los Santos, director general ng Bureau of Corrections na mahalaga ang memrondum of agreement dahil katuwang ng pamahalan ang Simbahan sa pagbibigay ng formation sa mga bilanggo na maging kapaki-pakinabang kapag sila ay nakalaya na.

Naunang ipinapaalala ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa lahat na bigyan ng pagp-asa ang mga makasalanan.

See: http://www.veritas846.ph/bigyan-ng-pag-asa-ang-mga-makasalanan-cardinal-tagle/

Bilang pagpapahalaga sa mga bilanggo, pinangunahan ni Cardinal Tagle ang isang thanksgiving mass sa New Bilibid Prison bilang regalo sa ika-80 kaarawan ni Pope Francis.

See: http://www.veritas846.ph/cardinal-tagle-nagdaos-ng-thanksgiving-mass-sa-new-bilibid-prison-para-sa-kaarawan-ni-pope-francis/

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 11,794 total views

 11,794 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 19,894 total views

 19,894 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 37,861 total views

 37,861 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 67,157 total views

 67,157 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 87,734 total views

 87,734 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Riza Mendoza

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 35,616 total views

 35,616 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

BAYAN GUMISING!

 35,626 total views

 35,626 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B Villegas at the Cathedral of Saint John the Evangelist Dagupan City on September 21, 2017 at 12noon

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

WHEN HEAVEN WEPT

 35,650 total views

 35,650 total views English Translation of the Homily at the Funeral Mass for Kian Lloyd De los Santos Gospel: John 3:16ff. By Bishop Pablo Virgilio S.

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Pagyamanin ang kultura ng buhay sa Pilipinas.

 35,764 total views

 35,764 total views Ito ang panawagan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa isinasagawang cross-country “Lakbay-Buhay” o march caravan for life laban sa

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Edukasyon, susi sa pag-ahon sa kahirapan

 36,207 total views

 36,207 total views Pagpapahalaga sa edukasyon ng mga kabataan ang susi para makaahon ang Piliipnas sa kahirapan. Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP-Episcopal

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Mamatay para sa sambayanan tulad ni Kristo

 35,662 total views

 35,662 total views Ito ang homiliya ni Catholic Bishops Conference of the Philippine President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa cannonical installation ni Archbishop Gilbert

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Unahin ang kaligtasan ng mga pasahero.

 35,651 total views

 35,651 total views Ipinanalangin ng Obispo ng San Jose ang mga pasahero ng bus na naaksidente sa Carranglan, Nueva Ecija noong Martes. Ipinagdarasal ni CBCP-Episcopal Commission

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top