Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

RH law: ‘Total failure’-ProLife

SHARE THE TRUTH

 491 total views

Sinalamin ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kabataang nabubuntis na hindi epektibo ang pinapairal na Reproductive Health Law o RH Law.

Ayon kay Rita Linda Dayrit, pangulo ng Pro-life Philippines Foundation Inc., nakababahala ang pagtaas ng bilang ng mga batang nagbubuntis na nangangahulugan ng kabiguan ng Reproductive Health Law na isinulong ng pamahalaan.

Pagbabahagi pa ni Dayrit, nangangahulugan rin ito na hindi epektibo ang nilalaman ng batas na pagsusulong ng sex education at paggamit ng mga contraceptives tulad ng condom.

“It is a total failure kasi alam mo ipinaglaban nila yan di ba ng mga Kongresista natin, ng DOH ipinaglaban nila yang RH Law para daw mabawasan isa yan sa inaano nila mabawasan ang teenage pregnancy, so the fact na tumataas that means hindi effective ang RH Law.

Hindi effective, hindi naging effective yung isinusulong nilang sex education, diba yan ang sinasabi nila kailangan alam ng mga bata ang itsura ng condom hindi effective.

Hindi effective yung promotion ng condom dahil ang mga bata nabubuntis pa din…” ang bahagi ng pahayag Dayrit sa panayam sa Radyo Veritas.

Giit ni Dayrit, higit na mahalaga ay ang paggabay ng mga magulang sa mga kabataan lalu na sa usapin ng pagpapahalaga sa sarili at sa pangangatawan na templo ng Espiritu Santo.

Binigyang diin rin ni Dayrit na sa halip na turuan ng paggamit ng mga contraceptives ang mga kabataan ay mas mahalagang isulong ang pangangalaga sa moralidad at ispiritwalidad ng mga kabataan.

“Kaya nga ang isinusulong namin palagi is always effective parenting at pagbabantay sa mga bata, education talaga dapat, education talaga na maituro sa mga kabataan kung papaano to have an abstinence relationship yung chase, pahalagahan nila ang katawan nila na tayo ay temple of the Holy Spirit.” Dagdag pa ni Dayrit.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, tumaas ng 7% ang bilang ng teenage pregnancy sa bansa o mga babaeng nanganak edad 15 taong gulang pababa noong 2019, kumpara noong 2018.

Sa tala ng Commission on Population and Development (PopCom) ito na ang ika-siyam na sunod na taon na tumataas ang bilang ng teenage pregnancies mula noong taong 2011.

Kaugnay nito nasasaad sa encyclical ni Pope John the 23rd noong 1963 na Pacem in Terris na mahalagang patatagin ang pamilya bilang pundasyon ng matatag at maayos na pagkatao ng mga kabataan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabiguan sa kabataan

 27,004 total views

 27,004 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 57,085 total views

 57,085 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 71,145 total views

 71,145 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 89,523 total views

 89,523 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567