12,189 total views
Sinuspinde ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng rice importation sa loob ng 60 araw simula Setyembre 1, 2025.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Dave Gomez, ipinatupad ng Pangulo ang hakbang matapos ang pakikipagpulong kasama ang mga opisyal ng gabinete sa kanilang limang araw na state visit sa India.
Paliwanag ni Gomez, layunin ng suspensyon na maprotektahan ang mga lokal na magsasaka sa gitna ng pagbaba ng presyo ng palay ngayong panahon ng anihan.
“To protect local farmers reeling from low palay prices during this current harvest season, President Ferdinand Marcos Jr. today announced the suspension of all rice importation for 60 days beginning Sept. 1, 2025,” ayon sa pahayag ng kalihim.
Una nang inirekomenda ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel kay Pangulong Marcos ang pagtaas ng taripa sa imported na bigas upang mapangalagaan ang kabuhayan ng mga lokal na magsasaka.