Robredo, idineklara ng BAX na pangulo ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 889 total reads

Hindi mababago ng anumang fake news o mga kinumisyong survey ang katotohanan ng pag-angat ni Vice President Leni Robredo sa kamalayan at puso ng maraming Pilipino.

Ito ang binigyang diin ng Broad ALLiance by X-Seminarians (BAX) sa mahigpit na labanan sa pagkapangulo sa papalapit na halalan sa ika-9 ng Mayo,2022.

Sa pamamagitan ng isang opisyal na pahayag, tahasang idineklara ng grupo ng mga dating seminarista mula sa iba’t-ibang sektor sa akademiya, sa gobyerno, sa pribadong sektor, at civil society na si Robredo ang panalo sa pagka-pangulo sa Halalan 2022 sa Mayo.

“Kami ang “Broad Alliance by Ex-Seminarians” na nasa iba’t ibang sektor: sa akademiya, sa gobyerno sa civil society at sa pribadong sektor, ay walang pag-a-agam-agam at pag- aalinlangan na tahasang inihahayag: na si Leni ang panalo sa pagka-pangulo sa Halalan 2022 sa Mayo, at hindi maipagkakaila, mababago, o mapipigilan ng kahit ano pang bayarang survey kasama ng sandamakmak na trolls ang kanyang tuloy-tuloy na pag-angat at pangunguna sa puso at kamalayan ng higit na nakararaming Pilipino!” deklarasyon ng Broad ALLiance by X-Seminarians (BAX).

Ayon sa Broad Alliance by Ex-Seminarians, hindi magtatagumpay ang sinumang nagpapakalat ng mga maling balita upang yurakan at sirain ang pangalan ni Robredo sa publiko.

Ipinaliwanag ng grupo na ang hayagang pag-endorso kay Robredo ng mga personalidad mula sa iba’t ibang larangan at sektor ng lipunan, kabilang na ang mga dating opisyal ng bayan at maging ng mga institusyon ng Simbahan ay ilan lamang sa patunay sa pangunguna at malayong lamang ni Robredo laban sa ibang mga kandidato.

Iginiit ng grupo na dapat na igalang ang “people’s choice” o pasya ng taumbayan sa nakatakdang halalan sa bansa.

“Dahil sa hindi maikakailang patuloy na pagdami ng mga nagpapahayag nang pagsuporta kay Leni ay malinaw pa sa sikat ng araw na siya ang “people’s choice” o pinipili ng taumbayan. At sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kanilang suporta kay Leni, ay idinedeklara na ng di hamak na nakararaming mamamayan na si Leni Robredo ang susunod na Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Kaya’t igalang ang pasya ng taumbayan sa sagradong paghalal kay Leni sa Mayo 2022.” Dagdag pa ng Broad ALLiance by X-Seminarians (BAX).

Unang nagpahayag ng suporta sa kandidatura nina Vice President Leni Robredo at Francis “Kiko” Pangilinan para sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas at ang iba pang Diocesan at Archdiocesan Council of the Laity kabilang na ang mga layko mula sa mga Diyosesis ng Parañaque; Tarlac; Legazpi; Novaliches; Romblon; Malolos; Archdiocese of Lipa; Archdiocese of San Fernando Pampanga; Apostolic Vicariate of Calapan at Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan.

BAX-Declaration-Panalo-na-si-Leni-1

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 23,411 total reads

 23,411 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 108,859 total reads

 108,859 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 146,232 total reads

 146,232 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 177,491 total reads

 177,491 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 249,310 total reads

 249,310 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 33,157 total reads

 33,157 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top