400K, ipapadalang tulong ng Caritas Manila sa mga sinalanta ng bagyong Agaton

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 590 total views

Magpapadala ang Caritas Manila ng 400-thousand pesos na tulong sa Archdiocese of Capiz at Diocese of Maasin.

Ayon kay Rowel Garcia – Disaster Communication Partner nang Radio Veritas sa Caritas Manila, hahatiin sa tig 200-thousand pesos ang matatanggap ng Capiz at Maasin.

Ito ay kagyat na tulong sa mga naapektuhan ng Bagyong Agaton sa mga nasalantang mamamayan sa Capiz at Leyte na sakop ng Diyosesis at Arkidiyosesis.

“CARITAS MANILA will release financial assistance to Agathon affected Dioceses within today. Initial amount is P200k for Capiz and Maasin,” ayon kay Garcia.

Ibinahagi naman ni Palo Archbishop John Du ang paghahanda ng kaniyang nasasakupang Arkidiyosesis ng relief assistance sa mga binaha at kinailangang lumikas.

“Our people in Abuyog affected by the typhoon Aharon. Rain is very heavy causing flooding to the town of Abuyog. The water in the church proper is up to the waist. We are now preparing reiief goods and food to distribute but difficult to enter due to the water still high,” ayon sa mensaheng ipinadala ng Arsobispo sa Radio Veritas.

Batay sa pag-uulat nang kokal na pamahalaan ay nakaranas nang pagbaha at landslide ang katimugang bahagi ng Leyte- higit na sa lungsod ng Baybay kung saan hindi bababa sa tatlumpu ang naitalang nasawi nang dahil sa pananalasa ng bagyo.

Ayon naman sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), labing-anim na munisipalidad sa Capiz ang nakaranas ng pagbaha.

Sa pananalasa ng bagyong Odette noong Disyembre 2021 ay umabot sa apatnaput-pitong milyong piso ang naipamahagi ng Caritas Manila bilang disaster relief sa may tatlumput-walong libong mga pamilya na lubhang naapektuhan ng kalamidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 51,509 total views

 51,509 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 81,732 total views

 81,732 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 108,383 total views

 108,383 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 203,356 total views

 203,356 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 221,110 total views

 221,110 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top