Sa PAGBIBIGAY at hindi para sa PAGKUHA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,364 total reads

Ang Mabuting Balita, 17 Nobyembre 2023 – Lucas 17: 26-37
Sa PAGBIBIGAY at hindi para sa PAGKUHA
Noong panahong iyon, sinabi ni jesus sa kanyang mga alagad, “Ang pagparito ng Anak ng Tao ay matutulad sa kapanahunan ni Noe. Noon, ang mga tao’y nagsisikain at nagsisiinom, nag-aasawa, hanggang sa araw na sumakay si Noe sa daong. Dumating ang baha at namatay silang lahat. Gayun din noong panahon ni Lot. Ang mga tao’y nagsisikain at nagsisiinom, namimili at nagbibili, nagtatanim at nagtatayo ng bahay. Ngunit nang araw na umalis si Lot sa Sodoma, umulan ng apoy at asupre at natupok silang lahat. Gayun din sa pagdating ng Anak ng Tao.
“Sa araw na iyon, ang nasa bubungan ay huwag nang bumaba upang kunin ang kanyang mga ari-arian sa loob ng bahay. Ang nasa bukid ay huwag nang umuwi. Alalahanin ninyo ang nangyari sa asawa ni Lot. Ang sinumang magsikap na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito; ngunit ang sinumang mawalan ng kanyang buhay ay siyang makapagliligtas nito. Sinasabi ko sa inyo: may dalawang lalaking natutulog sa isang higaan sa gabing iyon; kukunin ang isa at iiwan ang isa. May dalawang babaing magkasamang gumigiling; kukunin ang isa at iiwan ang isa. May dalawang lalaking gumagawa sa bukid; kukunin ang isa at iiwan ang isa.” “Saan po, Panginoon?” tanong ng kanyang mga alagad. Sumagot siya, “Kung saan naroon ang mga bangkay, doon naman nagkakatipon ang mga buwitre.”
————
Nakakatakot ang sinasabi ni Jesus, ngunit nakakatakot lamang para sa mga taong namumuhay ng walang pakialam sa iba at ang iniisip lamang ay ang sarili; mga nag-iisip na ang buhay natin ay para lang sa atin. Mahalagang alalahanin na ang buhay na ipinagkaloob ng Diyos sa atin ay para sa PAGBIBIGAY at hindi para sa PAGKUHA. Ito ang ibig sabihin ni Jesus na, “Ang sinumang magsikap na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito; ngunit ang sinumang mawalan ng kanyang buhay ay siyang makapagliligtas nito.” Kapag iniisip lang natin ang ating sarili, malamang na matatapakan natin ang karapatan ng iba at kukunin natin ang hindi atin dahil lamang gusto natin. Sa kabilang dako, kapag tayo ay namumuhay ng namamatay sa sarili para sa iba, ito ang ligtas na buhay. Tulad ng bahagi ng panalangin ni San Francisco de Asisi, “Sa pagbibigay ng ating sarili tayo nakakatanggap at sa pagkamatay tayo’y ipinanganganak sa buhay na walang hanggan.” Hindi natin kailangang hintayin ang isang malaking kalamidad o umulan ng apoy at asupre upang magising tayo at gawin ang tama. Habang may buhay pa tayo, mayroon tayong pag-asa, at ang pag-asang yon ay NGAYON!
Panginoong Jesus, ang iyong daan ang tiyak na daan patungong buhay na walang hanggan. Tulungan mo kaming sundan ka ng mabuti at manatili sa iyong daan buong buhay namin!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 178,084 total reads

 178,084 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 207,301 total reads

 207,301 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 241,423 total reads

 241,423 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 297,827 total reads

 297,827 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NO LIMITS

 7,493 total reads

 7,493 total reads Gospel Reading for October 30, 2026 – Luke 14: 1-6 NO LIMITS On a sabbath Jesus went to dine at the home of

Read More »

FEAR

 11,926 total reads

 11,926 total reads Gospel Reading for October 29, 2026 – Luke 13: 31-35 FEAR Some Pharisees came to Jesus and said, “Go away, leave this area

Read More »

INSTRUMENTS

 12,692 total reads

 12,692 total reads Gospel Reading for October 28, 2026 – Luke 6: 12-16 INSTRUMENTS Jesus went up to the mountain to pray, and he spent the

Read More »

UNSTOPPABLE

 9,800 total reads

 9,800 total reads Gospel Reading for October 27, 2026 – Luke 13: 18-21 UNSTOPPABLE Jesus said, “What is the Kingdom of God like? To what can

Read More »
Scroll to Top