Sacred Heart of Jesus exhibit, tampok sa PCNE XI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,583 total views

Bukod sa mga talakayan at pagninilay, tampok sa 11th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XI) ang Sacred Heart of Jesus exhibit ng National Shrine of the Sacred Heart sa University of Santo Tomas Quadricentennial Pavilion.

Ayon kay Sacred Heart Shrine Ministry of the Word assistant coordinator, Sis. Marilou Prudente, layunin ng exhibit na maipakita at maibahagi ang kasaysayan, mga panalangin, at mga patotoo kaugnay sa debosyon sa Kamahal-mahalang Puso ni Hesus, kabilang ang first-class relics nina St. Mary Margaret Alacoque at St. Claude de la Colombiere.

“We would like to invite everyone to see the exhibit of the National Shrine of the Sacred Heart. In the exhibit, you will see the history of the National Shrine of the Sacred Heart. You will also get to know better the devotion, the history regarding the Sacred Heart. We would love to have you here. Please do come,” ayon kay Prudente.

Pormal na sinimulan, kahapon, ang unang araw ng PCNE XI sa pamamagitan ng pagdadambana ng imahen ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus, sa pangunguna ni Sacred Heart Shrine team ministry member at Radyo Veritas President Fr. Roy Bellen.

Bahagi ito ng paggunita sa ika-350 anibersaryo ng Sacred Heart apparitions kay St. Margaret na naitala mula 1673 hanggang 1675.

Pinalalim ng mga aparisyon ang pag-unawa sa pag-ibig at habag ni Kristo para sa sangkatauhan, at nagbigay-inspirasyon sa malawakang debosyon sa Banal na Puso na sumasagisag sa Kanyang wagas na pag-ibig at walang hanggang awa.

Dahil dito, lumaganap sa Simbahang Katolika ang First Friday at Holy Hour devotions bilang tugon sa paanyaya ni Hesus para sa pag-ibig at pagbabayad-sala.

Noong October 24, 2024, inilabas ng namayapang Papa Francisco ang ensiklikal na Dilexit Nos, na muling nananawagan sa debosyon sa Kamahal-mahalang puso ni Hesus sa mundong puno ng tunggalian at kawalang malasakit.

Magtatagal ang exhibit hanggang bukas, July 20, kasabay ng pagtatapos ng PCNE XI.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 45,319 total views

 45,319 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 78,401 total views

 78,401 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 106,752 total views

 106,752 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 174,484 total views

 174,484 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 194,482 total views

 194,482 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top