Sambayanang Filipino, hinimok na paglingkuran ang kapwang nangangailangan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 567 total reads

Hinimok ng kinatawan ng kanyang Kabanalan Francisco ang mga mananampalataya na ipagpatuloy ang pakikiisa sa mga programang kumakalinga sa mga nangangailangan.

Ipinaalala ni outgoing Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Gabrielle Giordano Caccia na ang paglilingkod sa mga nangangailangan ay naipapalaganap ng mga mananampalataya ang misyon ni Hesus.

“The works of Caritas is very important because it is the mission of Jesus, an expression of love,” pahayag ni Archbishop Caccia sa Radio Veritas.

Ayon kay Archbishop Caccia, ang pagkakaisa ng komunidad sa kabila ng magkakaibang pananaw at pananampalataya ay unang hakbang upang makamtan ang kapayapaan at mai-angat ang antas ng pamumuhay ng mga dukha.

“Hopefully everyone in the community will participate in sharing the Good News, I will always pray for the success,” giit ng Nuncio.

Pinangunahan ni Archbishop Caccia ang pagpasinaya sa Center for Resiliency,Empowerment and Integral Development o CREED ng CBCP-NASSA/Caritas Philippines sa Tagaytay City.

Layon ng CREED na makapagsagawa ng mga pagsasanay upang mahubog ang kakayahan ng mga volunteer lalo na ang lahat ng Social Action Centers ng Simbahang Katolika sa maayos, mabilis at nagkakaisang pagsagawa ng relief at rehabilitation sa panahon ng sakuna.

Mayroon ding inaalok na short cources ang Caritas Philippines para sa iba’t-ibang gawaing panlipunan na mapapakinabangan ng bawat mamamayan.

Hiniling naman ng Papal Nuncio sa mananampalataya ang patuloy na panalangin sa panibagong misyon na ipinagkatiwala ng Santo Papa na maging Permanent Observer ng Holy See sa United Nation kahalili ng Filipinong si Archbishop Bernardito Auza na itinalagang kinatawan ng Vatican sa Spain.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 28,933 total reads

 28,933 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 65,138 total reads

 65,138 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 291,408 total reads

 291,408 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 184,875 total reads

 184,875 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 277,410 total reads

 277,410 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top