Sambayanang Pilipino, hinimok na makiisa sa “season of creation”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 707 total reads

Hinihimok ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mga mananampalataya na makibahagi sa pagdiriwang ng Season of Creation ngayong taon.

Ayon kay Bishop Uy, ang Season of Creation ay panahon upang hikayatin ang bawat isa na pakinggan ang panawagan ng kalikasan at mga katutubong biktima ng mga negatibong epekto ng gawain ng tao.

Hinihikayat din ng Obispo ang bawat isa na ipanalangin ang kaligtasan ng mga likas na yamang nilikha ng Diyos gayundin ang sangkatauhang naatasang maging katiwala ng inang kalikasan.

“In this Season of Creation, we pray that You would call to us, as from the burning bush, with the sustaining fire of Your Spirit. Breathe upon us. Open our ears and move our hearts. Turn us from our inward gaze. Teach us to contemplate Your creation, and listen for the voice of each creature declaring Your glory.” For “faith comes from hearing,” bahagi ng panalangin ni Bishop Uy para sa Season of Creation.

Samantala, maglulunsad naman ng programa ang Diyosesis ng Tagbilaran sa September 4 bilang pakikibahagi sa panahon ng paglikha sa pangunguna ng Saint Peter the Apostle Parish – Diocesan Shrine of Nuestra Señora de Guadalupe de Extremadura sa Loboc, Bohol.

Nakapaloob sa programa ang pagtatanim ng mga punongkahoy sa bahagi ng Birhen sa Guadalupe Hill sa Gon-ob; information drive hinggil sa pagsusulong sa organic farming at zero waste management; at ang paglagda sa commitment wall bilang simbolo ng pangako ng pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.

Tema ng Season of Creation ngayong taon ang Listen to the Voice of Creation, na ipagdiriwang mula unang araw ng Setyembre hanggang ikaapat ng Oktubre, kapistahan ni San Francisco de Asis, ang patron ng kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 66,968 total reads

 66,968 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 102,620 total reads

 102,620 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 137,920 total reads

 137,920 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 364,190 total reads

 364,190 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 253,806 total reads

 253,806 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 154,735 total reads

 154,735 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top