Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

San Juan Nepomuceno parish, magdiriwang ng ika-160 Canonical possession

SHARE THE TRUTH

 659 total views

Ipagdiriwang ng Parokya ng San Juan Nepomuceno sa bayan ng Alfonso sa Cavite ang ika-160 Canonical Possession o taong pagkakatatag nito bilang parokya.

Gugunitain ito sa ika-20 ng Enero, 2021 sa pamamagitan ng sama-samang pagdarasal ng Santo Rosario sa ganap na alas-7 y media ng umaga.

Susundan ito ng pagdiriwang ng banal na misa sa ganap na alas-5 ng hapon na pangungunahan ni Rev. Fr. Ariel delos Reyes.

Pagkatapos ng banal na misa, ganap na alas-6 ng gabi ay isasagawa naman ang prusisyon sa orihinal at matandang imahen ng San Juan Nepomuceno de Alfonso.

Itinatag ang parokya ng San Juan Nepomuceno noong ika-20 ng Enero, 1861, dalawang taon makaraang itatag ang bayan ng Alfonso na dati lamang pueblo ng bayan ng Indang sa Cavite.

Tuwing ika-16 ng Mayo naman ipinagdiriwang ang kapistahan ni San Juan Nepomuceno, ang patron ng pangungumpisal.

Ang Parokya ng San Juan Nepomuceno sa Alfonso, Cavite ay sakop ng Diocese ng Imus.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabiguan sa kabataan

 35,668 total views

 35,668 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 65,749 total views

 65,749 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 79,804 total views

 79,804 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 98,119 total views

 98,119 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Sana ay mali kami

 20,174 total views

 20,174 total views Ito ang mariing pahayag ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno, habang pinagninilayan ang sunod-sunod na sakuna at kalamidad

Read More »
1234567