Santo Papa, iginiit ang kapangyarihan ng Ebanghelyo tungo sa pagpapanibago

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,272 total views

Binigyang-diin ni Pope Leo XIV na nananatiling makapangyarihan ang Ebanghelyo upang baguhin ang mundo at pawiin ang iba’t ibang anyo ng kasamaan na nagpapahirap sa sangkatauhan.

Sa kanyang Angelus sa St. Peter’s Square noong June 14, inilarawan ng Santo Papa ang malasakit ni Hesus sa mga taong dumaranas ng iba’t ibang pagsubok sa kasalukuyang panahon.

Ayon sa punong pastol ng Simbahang Katolika, nakikita ni Kristo ang malalalim na sugat na dinaranas ng lipunan at tiniyak ang patuloy na pakikiisa at pakikilakbay sa paghihirap ng tao.

“He sees the oppression that burdens and the violence that causes strength to fade. He sees the wounds of war and the emptiness of consumerism. He sees faces reduced to masks, families torn apart by evil, and young people misled by false ideals,” pahayag ni Pope Leo XIV.

Paliwanag ng Santo Papa na ang habag ni Hesus ay hindi lamang pagpapakita ng pakikiramay kundi pagpapahayag din ng Kanyang hangaring iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan at kawalan ng pag-asa.

“Jesus sees and loves. He loves and suffers for and with us: his compassion expresses not only fraternal closeness, but his desire to redeem,” dagdag ng Santo Papa.

Hinimok din ni Pope Leo ang mga mananampalataya na maging tunay na mga manggagawa sa ubasan ng Panginoon sa pamamagitan ng pagbibigay ng pag-asa sa mga naghihirap, pananampalataya sa mga nawawalan ng tiwala, at pagkakawang-gawa sa mga nangangailangan.

Binigyang-diin niya na nananatiling makapangyarihan ang Mabuting Balita upang mapagtagumpayan ang kasamaan sa lipunan.

“When this Gospel is proclaimed and lived out, evil crumbles like a disease that passes away, like a night giving way to dawn, like death conquered by the risen One,” ani Pope Leo XIV.

Paalala rin ng Santo Papa na kaakibat ng misyon ng ebanghelisasyon ang pagtataguyod sa kalagayan ng mga dukha at naisasantabing sektor ng lipunan.

“The task of evangelization springs from God’s gift, which in Christ becomes forgiveness for the world, service to the least and the poor, and a commitment to justice,” dagdag pa ng pinunong pastol.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 194,294 total views

 194,294 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 224,517 total views

 224,517 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 251,162 total views

 251,162 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 346,135 total views

 346,135 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 354,569 total views

 354,569 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top