Pope Leo XIV, nagpaabot ng panalangin para sa mga biktima ng lindol sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,528 total reads

Nakikiisa at nag-alay ng panalangin si Pope Leo XIV para sa mga Pilipinong naapektuhan ng 7.8 magnitude na lindol na yumanig sa ilang lugar sa Mindanao noong June 8.

Sa kanyang mensahe matapos ang pagdarasal ng Angelus sa St. Peter’s Square noong June 14, partikular na inalala ng Santo Papa ang mga nasawi, nasugatan at mga pamilyang patuloy na dumaranas ng hirap dulot ng kalamidad.

“I assure the people of the Philippines, struck a few days ago by a powerful earthquake, of my closeness. I pray for the deceased and their families, for the wounded and for all those suffering because of this disaster,” pahayag ni Pope Leo XIV.

Inihayag sa mensahe ng Santo Papa ang pakikiisa ng Simbahang Katolika sa mga komunidad na naapektuhan ng lindol habang nagpapatuloy ang pagbangon ng mga residente mula sa pinsalang dulot ng sakuna.

Ang panawagan ng panalangin para sa Pilipinas ay bahagi ng kanyang mensahe kung saan binigyang-diin niya ang malasakit ni Kristo sa mga taong dumaranas ng paghihirap at pagsubok.

Ayon sa Santo Papa, nakikita ni Hesus ang mga sugat at pasanin ng sangkatauhan at patuloy na nakikiisa sa bawat tao sa kanyang pagdurusa.

“Jesus sees and loves. He loves and suffers for and with us: his compassion expresses not only fraternal closeness, but his desire to redeem,” ani Pope Leo XIV.

Paliwanag ng Santo Papa na ang habag ni Kristo ay hindi lamang damdamin ng pakikiramay kundi konkretong pagnanais na iligtas at itaas ang kalagayan ng mga nagdurusa.

Sa harap ng iba’t ibang krisis at kalamidad na kinakaharap ng mundo, hinikayat din ni Pope Leo XIV ang mga Kristiyano na maging mga tagapaghatid ng pag-asa at kaginhawaan sa mga nangangailangan.

Ang mensahe ng pakikiisa ni Pope Leo XIV sa Pilipinas ay muling nagpapatunay sa malapit na ugnayan ng Santo Papa sa mga Pilipino, na madalas niyang ipinagdarasal lalo na sa mga pagkakataong nahaharap ang bansa sa mga pagsubok at kalamidad.

Hiniling naman ng Santo Papa sa mga mananampalataya sa buong mundo na makiisa sa pananalangin para sa mga biktima ng lindol at sa kanilang mga pamilya, upang makatagpo ng lakas, pag-asa, at kagalingan sa gitna ng kanilang pinagdaraanan.

Sa datos ng Office of the Civil Defense, nasa 173,000 pamilya, o katumbas ng halos isang milyong katao, ang apektado ng malakas na pagyanig na ikinasawi ng 61 indibidwal, habang mahigit sa 1,000 katao ang nasugatan.

Patuloy namang kumikilos ang mga lokal na simbahan sa bansa upang tulungan ang mga apektadong residente na karamihan ay mula sa Diocese of Marbel.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagnanakaw sa kabataan

 40,264 total reads

 40,264 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 79,688 total reads

 79,688 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 186,567 total reads

 186,567 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 231,231 total reads

 231,231 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 251,405 total reads

 251,405 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top