“Patuloy na magtiwala sa pag-ibig ng Panginoon,”-Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,887 total views

Iginiit ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na hindi kailanman pinababayaan ng Diyos ang sangkatauhan at patuloy itong nagmamalasakit sa kalagayan ng bawat tao sa kabila ng lumalaganap na sekularismo o makamundong pananaw sa lipunan.

Sa homiliya sa ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon, binigyang-diin ni Taytay Bishop Broderick Pabillo, chairperson ng CBCP Office on Stewardship, na taliwas sa pananaw ng marami na tila walang pakialam ang Diyos sa kanilang buhay, ay patuloy na gumagabay at naghahanda ang Panginoon ng landas tungo sa tunay na kaligayahan at kabanalan.

“Napakalaki na ng kanyang itinaya sa atin. Nilikha niya tayo, minahal niya tayo, at namatay siya para sa atin. Basta na lang ba niya tayong iiwanan? Hindi! Nababahala siya sa atin! Kaya manalig tayo sa kanyang pag-ibig. Huwag tayong mabuhay na parang walang pakialam ang Diyos sa atin, na parang wala siya,” ani Bishop Pabillo.

Ayon sa obispo, isa sa mga hamon ng kasalukuyang panahon ang paglaganap ng sekularismo, kung saan higit na pinagtutuunan ng pansin ng tao ang mga materyal na bagay habang nababalewala ang espirituwal na aspeto ng buhay.

“Ang isang katangian ng ating panahon ngayon ay ang sekularismo—makamundo. Marami ay walang pakialam at binabalewala ang mga espirituwal na bagay. Nabubuhay sila na parang walang Diyos,” paliwanag ng obispo.

Sinabi ni Bishop Pabillo na tulad ng habag ni Hesus sa mga taong “lito at lupaypay” sa Ebanghelyo, patuloy na hinahanap ng Diyos ang mga naliligaw at nawawalan ng direksyon sa buhay upang akayin pabalik sa wastong landas.

Paalala rin ng obispo na ang Simbahan sa kasalukuyan ay ipinadala ni Kristo upang ipagpatuloy ang kanyang misyon ng pangangalaga at paglilingkod sa mga nangangailangan.

“Tayo ang simbahang pinapadala niya. Ipagpatuloy natin ang pagmamalasakit at pagkalinga ng Diyos sa mga tao,” dagdag ni Bishop Pabillo.

Binigyang-diin pa ng obispo na hindi kayang punan ng kayamanan, kasiyahan, o anumang makamundong bagay ang pinakamalalim na pangangailangan ng tao sapagkat ang Diyos lamang ang tunay na makapagbibigay ng ganap na kapayapaan at kaganapan sa buhay.

Hinimok ni Bishop Pabillo ang mga mananampalataya na higit na magtiwala sa pag-ibig ng Diyos, unahin Siya sa kanilang buhay, at maging instrumento ng Kanyang malasakit sa kapwa, lalo na sa mga nawawalan ng pag-asa at direksyon sa gitna ng mga hamon ng makabagong panahon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 195,012 total views

 195,012 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 225,235 total views

 225,235 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 251,880 total views

 251,880 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 346,853 total views

 346,853 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 355,253 total views

 355,253 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top