SCMP, nakiisa sa panawagan kay Pope Leo XIV na bisitahin ang Gaza

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,048 total reads

Naniniwala ang Filipino ecumenical youth group na Student Christian Movement of the Philippines (SCMP) na malaki ang maaring maging epekto at maitutulong ng posibleng pagbisita ni Pope Leo XIV sa Gaza upang mabigyang pag-asa ang mga mamamayan na patuloy na naiipit sa armadong sagupaan.

Ito bahagi ng mensahe ni SCMP National Chairperson Kej Andres kasunod ng panawagan ng international pop icon na si Madonna sa kaniyang social media post sa Santo Papa para sa posibilidad ng pagbisita sa Gaza upang matigil na ang malawakang karahasan at kahirapan na nararanasan ng mga sibilyan lalo’t higit ng mga bata sa lugar.

Inihayag ni Andres sa Radyo Veritas ang panawagan kay Pope Leo XIV na bisitahin ang Gaza ay upang maipadama sa mga mamamayan ang pakikiisa, biyaya, at pag-asa mula sa Panginoon.

“Like a prayer, we also plea to the Holy Father to visit Gaza and extend his grace, support, and solidarity for the suffering Palestinians who have experienced genocide and apartheid even before 1948. No one, even Christians and their churches in Gaza, has been spared from bombings, shootings, and systematic starvations by Israel. We need more church leaders to speak up and take action.” Bahagi ng pahayag ni Andres.

Ayon kay Andres, mahalaga ang impluwensya ng Santo Papa na punong pastol ng Simbahang Katolika at ng iba pang mga lider ng bansa at mga kilalang personalidad para isulong ang sama-samang pagkilos para sa kapakanan ng mga mamamayan ng Palestina at ng buong mundo.

“In the final analysis, while having very considerable influence, it is not up to the Pope or Madonna who will be decisive on the outcome of the humanitarian crisis in Palestine. It is up to the Palestinians and the peoples of the world in solidarity to end this horrific chapter in our history. Through our pressure on governments and other offices, our collective efforts have pushed personalities and institutions to recognize the crisis and struggles present. We, the laity, can do so much more,” Dagdag pa ni Andres.

Matatandaang noong Hulyo 2025 ng tinamaan ng pambobomba ng Israel ang tanging Simbahang Katolika sa Gaza na kumukopkop na mamamayan na nagresulta sa pagkasawi ng 3-indibidwal at pagkasugat ng 6 kabilang na ang kura paroko ng Holy Family Catholic Church na si Fr. Gabriel Romanelli.

Patuloy an panawagan at pakondena ni Pope Leo XIV sa nagaganap na digmaan, at iba pang armadong sagupaan sa iba’t ibang bansa na patuloy na bumibiktima sa mga inosenteng sibilyan lalo’t higit sa mga bata.

Samantala, bago naman namayapa ay naging bahagi na ng regular na gawain kada araw ng dating Santo Papang si Pope Francis ang personal na pagtawag kay Fr. Romanelli upang mangamusta at ipakita ang kanyang pakikiisa sa kapakanan ng mga mamamayan ng Gaza.

Ayon sa tala ng United Nations, nasa higit 75,000 na ang nasawi mula pa noong Oktubre 2023 habang patuloy ding lumalala ang banta ng matinding kahirapan at kagutuman sa Gaza.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 4,231 total reads

 4,231 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 4,359 total reads

 4,359 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 8,834 total reads

 8,834 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 65,238 total reads

 65,238 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 188,742 total reads

 188,742 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 273,801 total reads

 273,801 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top