Seabed quarrying sa Cavite, tinututulan ng Diocese of Imus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 932 total views

Mariing tinututulan ng Diyosesis ng Imus ang isinasagawang seabed quarrying sa mga baybayin sa lalawigan ng Cavite.

Ayon kay Bishop Reynaldo Evangelista, hindi makatarungan ang nasabing proyekto sapagkat malaki na ang dulot nitong pinsala sa kalikasan lalo na sa mga komunidad na malapit sa dagat.

Sinabi ng Obispo na lubha nang apektado ng quarrying ang hanapbuhay ng mga mangingisda sapagkat kaunti na lamang ang kanilang nahuhuli.

“Tinututulan ng Diyosesis, tinututulan ng inyong lingkod, ng buong kaparian ng diyosesis, ng ministry on ecology ang seabed quarry na ito,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Evangelista sa pagbubukas ng Season of Creation sa Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar o Imus Cathedral.

Inanunsyo naman ni Bishop Evangelista na sa mga susunod na mga araw ay magsasagawa ng signature campaign ang diyosesis bilang panawagang pigilan ang mapaminsalang quarrying sa baybayin ng Cavite.

Panawagan din ng Obispo sa publiko, na siya ring chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Permanent Committee on Public Affairs ang pagtutulungan upang maisakatuparan ang pagpigil sa proyekto.

“Baka naman kayo’y may impluwensiya sa mga nasa gobyerno, pakisabihan naman ninyo. Huwag namang gawin ito. Kawawa ang ating karagatan at ang maraming mga tao. Magtutulong tulong tayo para maipahatid ito sa mga kinauukulan,” panawagan ni Bishop Evangelista.

Sa huli’y dalangin ni Bishop Evangelista na dinggin nawa ng mga kinauukulan ang hinaing ng publiko bilang pagtugon na rin sa tema ng Season of Creation ngayong taon na “Listen to the Voice of Creation”.

Ang malawakang paghigop at pagkuha ng buhangin sa municipal waters sa mga bayan ng Ternate at Naic ay hawak ng offshore mining firm na Silverquest Mining Resources Inc. (SMRI).

Magugunitang Oktubre nang nakaraang taon nang kasalukuyang nasa proseso pa lamang ng pagkuha ng environmental compliance certificate ang kumpanya para sa P12-billion SMRI Government Seabed Quarry Project.

Ito ay para sa 318-hectare Manila Waterfront Project na nagkakahalaga ng higit sa P34-bilyong land reclamation and development project ng Manila City Government at Waterfront Manila Premier Development sa Manila South Harbor sa bahagi ng Manila Bay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 5,438 total views

 5,438 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 35,661 total views

 35,661 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 62,313 total views

 62,312 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 157,301 total views

 157,300 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 178,361 total views

 178,361 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top