Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Search and rescue troops na ipapadala sa Turkey, binigyan ng blessings ng MOP

SHARE THE TRUTH

 1,426 total views

Pinangunahan ni 2nd Lieutenant Father Mario Aliwan ng Military Ordinariate of the Philippines at Office of the Chaplain Service ang pagbabasbas sa mga Armed Forces of the Philippines uniformed personnel na ipapadala sa Turkey at mga kagamitang gagamitin sa search and rescue operation.

Ito ay upang matiyak na gumagana at nasa tamang kondisyon ang mga kagamitang gagamitin sa search and rescue operation na tulong ng Pilipinas sa bansang nasalanta ng 7.8 na magnitude na lindol.

Ayon kay Department of Defense Acting Secretary Carlito Galvez, aabot sa 87-Uniformed Personnel mula sa ibat-ibang hanay ng AFP ang ipapapadala sa Turkey upang isagawa ang humanitarian aid mission.

“We really extend our deepest sympathy to the Turkish Government, we know that the Turkish Government is very kind to us, ang laki ng naitulong nila sa Bangsamorro, ang laki ng naitulong nila sa ating mga humanitarian needs especially sa COVID-19, tumulong din sila mga vaccine atsaka tinatawag natin na very close ally natin ang Turkey,” ayon sa pahayag ni Secretary Galvez.

Inihayag naman ni Health Undersecretary Rosario Vergeire na 31-Department of Health personnel at 16-tonelada ng mga medical supplies at medicines ang ipapadala ng Pilipinas bilang tulong sa Turkey.

Aalis ang mga Humanitarian Aid team ng Pilipinas sa Miyerkules o February 8 ng Gabi.

Batay sa pinakahuling datos ng Republic of Turkey, higit na sa limang libong katao ang nasawi dulot ng lindol sa Turkey at Syria kung saan naranasan rin ang malakas na pagyanig ng lupa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga hakbang pagkatapos ng halalan

 7,560 total views

 7,560 total views Mga Kapanalig, isang halalan na naman ang nairaos natin. Ikinatuwa o ikinadismaya man natin ang resulta, paano kaya tayo maaaring umusad pagkatapos nito?

Read More »

May magagawa tayo

 27,484 total views

 27,484 total views Mga Kapanalig, Eleksyon 2025 na! Ayon sa Republic Act No. 7166, dapat isagawa ang isang halalan bawat tatlong taon. Ang partikular na eleksyon

Read More »

Transport Reforms

 33,529 total views

 33,529 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 42,059 total views

 42,059 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 49,938 total views

 49,938 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top