Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Senior High School

SHARE THE TRUTH

 359 total views

Senior High School
Marahil, kapanalig, napansin niyo na ang mga nagsulputang senior high school programs ng maraming mga paaralan. Ito ay dahil ngayong taon, simula na ang implementasyon ng senior high school na napapaloob sa K to 12 program.

Base sa datos ng Department of Education (DepEd), 2,199 private schools na ang malayang maghain at magpatakbo ng senior high school at may higit pa sa 200 ang kasalukuyang in-process ang approval. Ang senior high school ay ang huling dawalang taon ng K to 12 program. Sa lebel na ito, ang mga estudyante ay mag-aaral ng curriculum at subjects na sila mismo ang pipili. Ang mga kurso sa senior high school ay maaring preparasyon para sa trabaho, pagnenegosyo, vocational o technical training, o paghahanda para sa kolehiyo. Dahil may mga subjects na sa senior high school na napapaloob sa kurikulum ng ibang kurso sa kolehiyo, maaring mabawasan ang mga units na kailangan pang kunin sa kolehiyo ng mga estudyanteng nagbabalak ipagpatuloy ang kanilang track na pinili sa mga unibersidad o tertiary education institutions.

Marami ang nangangamba sa kaakibat na gastos nito. Ang dagdag na dalawang taon nga naman sa high school ay nangangahulugan na hindi pa high school graduate ang Grade 10 completer. At kung hindi high school graduate, dagdag gastos na sa senior high school program, mahihirapan pang makahanap trabaho ang ayaw ng magtuloy pa sa Grades 11 at 12. Upang matugunan ito, ang DepEd ay may handang voucher program para sa mga nagtapos ng Grade 10 na nagnais na kumuha ng senior high school sa mga pribadong institusyon upang matulungan naman sa gastos ang mga magulang. Ang senior high school din ay libre sa mga pampublikong paaralan.

Sa ating bansa kapanalig, maraming mga pamilya ang hindi kayang paaralin ang kanilang mga anak dahil sa kahirapan ng buhay. Ayon sa NSO Census noong 2010, mga 68.8% ng mga batang edad  13 to 16 ang nakatapos ng high school pero mga  36.3% lamang ng mga indibidwal na may edad 17 to 24 ang nakapag-aral matapos ng high school.  At ang unemployment rate sa hanay ng mga indibidwal na may edad 15-24 noong 2011, base sa isang pag-aaral ng UNICEF (The Filipino Youth and Employment- Migration Nexus) ay umabot ng 18.5 million. Kaya nga’t ang senior high school ay isang interbensyon sa dalawang malaking problema na hinaharap ng mga high school graduates ngayon: ang posibilidad ng pagiging out of school youth at pagiging tambay dahil sa kawalan ng trabaho matapos mag-high school. Maihahanda rin nito ang mga kabataan para sa kanilang tatahaking daan matapos ang dalawang taon.

Kapanalig, mabigat talaga ang magpa-aral ngunit sa bawat tulo ng pawis para dito, nasisiguro natin ang ating kinabukasan. Hindi lamang dahil binibigyan tayo nito ng diploma, kundi dahil tinutulungan tayo na maging mas malawak ang pag-iisip habang binibigyan tayo ng spesyalisasyon at kasanayan. Kaya nga sana, mas maraming kabataan ang makapasok at makatapos ngayon ng high school, lalo na’t may pangako ng kongkretong benepisyo.

Ang sitwasyon na ito ay tila na na-foresee o nakita na ni Pope John XIII sa Mater et Magistra. Ang kanyang pahayag ay mainam na gabay sa atin ngayon: Productive systems are today rapidly becoming more modernized and efficient–more so than ever before. Hence a greater technical skill is required of the workers, and more exacting professional qualifications. Which means that they must be given more assistance and more free time in which to complete their vocational training as well as to carry out more fittingly their cultural, moral and religious education. As a further consequence, the modern youth is enabled to devote a longer time to his basic schooling in the arts and sciences. All this serves to create an environment in which workers are encouraged to assume greater responsibility in their own sphere of employment.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ICC TRIAL

 4,061 total views

 4,061 total views Kapanalig, matapos ang 2025 midterm elections kung saan multi-bilyong piso ang nagastos at marami ang kumapal ang bulsa pansamantala., maraming relasyon ang nasira,

Read More »

REAWAKENING

 12,297 total views

 12,297 total views Kapanalig, nagising na nga ba ang mga botanteng Pilipino? Akalain mo, nagulat ang mga “political observer” sa naging resulta ng 2025 midterm election,

Read More »

20-PESO RICE

 20,279 total views

 20,279 total views Ibaba sa 20-pesos kada kilo ang presyo ng bigas… Ito ang naging pangako ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga Pilipino tatlong taon

Read More »

Cyber terrorists?

 28,847 total views

 28,847 total views Mga Kapanalig, hindi nakaligtas maging ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) sa mga nagpakalat ng fake news noong panahon ng

Read More »

Nakamamatay ang kurapsyon

 36,974 total views

 36,974 total views Mga Kapanalig, bago ang eleksyon, may trahedyang naganap sa Ninoy Aquino International Airport.  Dalawa ang namatay at apat ang nasugatan matapos araruhin ng

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

ICC TRIAL

 4,062 total views

 4,062 total views Kapanalig, matapos ang 2025 midterm elections kung saan multi-bilyong piso ang nagastos at marami ang kumapal ang bulsa pansamantala., maraming relasyon ang nasira,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

REAWAKENING

 12,298 total views

 12,298 total views Kapanalig, nagising na nga ba ang mga botanteng Pilipino? Akalain mo, nagulat ang mga “political observer” sa naging resulta ng 2025 midterm election,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

20-PESO RICE

 20,280 total views

 20,280 total views Ibaba sa 20-pesos kada kilo ang presyo ng bigas… Ito ang naging pangako ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga Pilipino tatlong taon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cyber terrorists?

 28,848 total views

 28,848 total views Mga Kapanalig, hindi nakaligtas maging ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) sa mga nagpakalat ng fake news noong panahon ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top