Serbisyo, hindi utang na loob

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 77,856 total views

Mga Kapanalig, sa kanyang birthday noong ika-13 ng Setyembre, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na naglaan ang kanyang opisina ng mahigit 300 milyong pisong pondo para gawing libre ang mga serbisyo sa mga pampublikong tertiary hospitals. Dito sa Metro Manila, isa sa mga ospital na ito ang Philippine General Hospital o PGH, na takbuhan ng mga mahihirap nating kababayang nagkakasakit o kailangang magpaospital. 

This is my treat to you,” masayang inanunsyo ni PBBM sa kanyang talumpati sa paglulunsad ng Agri-Puhunan at Pantawid Program sa Nueva Ecija.

Pero ang libreng pagpapaospital ay para lamang sa araw na iyon. Ayon pa sa Department of Health (o DOH), kailangang ma-interview ang mga pasyente o kanilang kapamilya ng tinatawag na Medical Social Services ng ospital. Pagkatapos ang assessment at evaluation, babayaran ang kanilang gastusin sa pamamagitan ng DOH Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients Program. Libre ang hospital bill ng mga naka-confine, ang kanilang mga gamot at kakailanganing laboratory procedures, chemotherapy, dialysis, at iba pa. 

Sana birthday ni PBBM araw-araw.

Malaking bagay ang tulong na ito para sa ating mga kababayang hindi alam kung saang kamay ng Diyos kukunin ang kanilang panggastos sa ospital at iba pang serbisyong medikal. Noong birthday ni PBBM, hindi sa kanya galing mismo ang ipinanlibre niya. Galing iyon sa Office of the President na ang pondo ay mula naman sa kaban ng bayang pinag-ambag-ambagan natin. Suwerte ang mga pasyente sa mga piling ospital sa araw na iyon, pero hindi nila utang na loob na mabawasan ang kanilang gastos sa pagpapaospital.

Matagal nang gawi ng ating mga pulitiko ang pagbibigay ng tulong sa ating mga kababayang nangangailangan na para bang galing sa sarili nilang bulsa ang kanilang ipinamamahagi. Kitang-kita ito sa mga serbisyong pangkalusugan. Araw-araw, mahaba ang pila ng mga humihingi ng tulong sa mga opisina ng mga mayor, gobernador, o kongresista. Requirement kasi ang kanilang guarantee letter para ipakita sa ospital na sasagutin ng pulitiko ang bahagi o lahat ng gastusin ng pasyente. 

Hindi na rin bago ang zero billing policy sa ilang pampublikong ospital. Sa mga ospital na ito, sinasagot ng lokal na pamahalaan ang hospitalization ng mahihirap na pasyente. Ang pambayad ay mula sa Medical Assistance for Indigent Patients (o MAIP) Program. Malaking bahagi ng pondo para sa programang ito ay mula sa mga lokal na opisyal, kabilang ang mga kongresista at ilang partylist groups. Karaniwang pinupunan ng programang ito ang ibang gastusing hindi mako-cover ng PhilHealth. 

Pero ito ang problema sa programang ito. Kung may PhilHealth na tayo, bakit pa may MAIP Program kung saan dumadaan pa sa mga pulitiko ang pondo? Bakit hindi na lang ilagak sa PhilHealth, bilang national health insurance program sa bansa, ang perang ipanggagastos para sa pagpapaospital at iba pang serbisyong medikal ng mga pasyente? 

Obvious naman po siguro ang sagot: mawawalan ng pagkakataon ang mga pulitikong maningil ng utang na loob sa mga botanteng “tutulungan” nila. 

Salungat ito sa ipinaaalala ni Pope Francis sa kanyang ensiklikal na Fratelli Tutti. Aniya, tinatawag ang mga pulitikong asikasuhin ang mga pangangailangan ng mga taong kanilang pinaglilingkuran. Solusyon sa mga mabibigat na problema ng taumbayan—hindi ang pansarling interes at kasikatan—ang dapat nilang pagtuunan ng pansin. Pero sa ating bansa, ginagamit ang mga pampublikong serbisyo para iangat ng mga pulitiko ang kanilang sarili.

Mga Kapanalig, sa isang banda, hindi dapat sariling kapakanan ang unahin ng ating mga lider, gaya ng paalala sa 1 Corinto 10:24. Sa kabilang banda, huwag nating ituring na utang na loob sa mga pulitiko ang mga serbisyong dapat lang naman nilang ihatid sa atin.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 16,122 total views

 16,122 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 38,127 total views

 38,127 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 62,469 total views

 62,469 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 86,398 total views

 86,398 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 120,992 total views

 120,992 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAG-ASA

 16,123 total views

 16,123 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 38,128 total views

 38,128 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 62,470 total views

 62,470 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 86,399 total views

 86,399 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »
Scroll to Top