Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

“Serbisyong may Malasakit”

SHARE THE TRUTH

 458 total views

Ganito inilarawan ng Commission on Human Rights (CHR) ang pamumuno ng yumaong chairperson ng kumisyon na si CHR Chairperson Jose Luis Martin “Chito” Gascon.

Sa opisyal na pahayag ni CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia ay ibahagi ng opisyal ang pagpanaw ni Gascon sa edad na 57-taong gulang, umaga ng Sabado, ika-9 ng Oktubre, 2021 dahil sa kumplikasyon na dulot ng Coronavirus Disease 2019.

“It is with deepest sorrow that we announce the passing of Chairperson Jose Luis Martin “Chito” Gascon. He passed away early this Saturday morning, 9 October 2021, due to Covid-19 complications. He was 57,” pahayag ni de Guia.

Pagbabahagi ni Atty. De Guia, hindi matatawaran ang pamumuno ni Chairperson Gascon sa kumisyon na nagdulot ng inspirasyon sa mariing paninindigan sa pagsusulong ng karapatang pantao hindi lamang para sa mga kawani ng CHR kundi maging sa iba pang mga human rights workers sa bansa.

Ayon kay Atty. De Guia higit ring naipamalas ni Gascon ang paglilingkod ng may tunay na pagmamalasakit para sa mga biktima ng iba’t ibang pang-aabuso sa karapatang pantao kasabay ng pagtiyak sa kaligtasan at kapakanan ng bawat kawani ng kumisyon.

“His leadership in the Commission has inspired and nurtured a culture of enabling, empowering, and safe environment that move CHR personnel to always serve with genuine compassion or Serbisyong may Malasakit, utmost integrity, and excellence. He impressed upon the CHR personnel and fellow human rights workers the impact and value of our work especially to those who have it least,” dagdag pa ni Atty. De Guia.

Binigyang pagkilala rin ng CHR ang katapangan at paninindigan ni Gascon upang isulong ang mandato ng kumisyon sa kabila ng iba’t ibang mga pagsubok, hamon at pagbabanta dahil sa mariing paninindigan ng CHR laban sa iba’t ibang mga pang-aabuso sa karapatang pantao na nagaganap sa lipunan.

Paliwanag ni Atty. De Guia, sadyang kahanga-hanga ang dedikasyon ni Gascon upang isulong ang kalayaan, katotohanan, katarungan at karapatang pantao ng bawat mamamayang Pilipino.

“At a time of unprecedented human rights challenges, Chair Chito courageously and steadfastly upheld the constitutional mandate of the Commission. Amidst the unrelenting attacks against the institution and to him personally, he was unwavering and unflinching in fighting for the universal values of freedom, truth, and justice that are essential in the pursuit of human rights. He was undaunting in the fight for human rights, rule of law, and democracy out of deep reverence to the equal rights and dignity of all,” dagdag pa ni Atty. De Guia.

Samantala, tiniyak naman ng CHR ang pagpapatuloy sa mga nasimulan ni Chairperson Gascon at patuloy na paninindigan sa mandato nito na tiyakin ang pagsusulong ng karapatang pantao ng bawat mamamayang Pilipino.

Pansamantala, pangangasiwaan ni CHR Commissioner Karen Gomez Dumpit bilang Officer-in-Charge ang Commission on Human Rights sa pagpanaw ni Chairperson Gascon.

Si Gascon ang nagsilbing pinakabatang miyembro ng Constitutional Commission na nagbalangkas ng 1987 Constitution at ng 8th Philippine Congress kung saan naisabatas ang Sanggunian Kabataan na pakikilahok ng mga kabataan sa lokal na pamahalaan, gayundin ang Republic Act 7610 na pagbibigay ng proteksyon sa mga bata mula sa iba’t ibang uri ng pang-aabuso.

Bago naitalaga bilang chairperson ng Commission on Human Rights (CHR) noong 2015, nagsilbi rin si Gascon bilang kasaping miyembro ng Human Rights Victims Claims Board na responsable sa pagkilala at pagpapatupad ng reparation programs para sa mga biktima ng Martial Law sa ilalim ng rehimeng Marcos.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa likod ng bilyun-bilyong pisong yaman

 14,376 total views

 14,376 total views Mga Kapanalig, nagkakalaglagan na ang mga sangkot sa mga maanomalyang flood control projects.  Kamakailan lang, pinangalanan ng mag-asawang contractors na sina Pacifico “Curlee”

Read More »

TUGISIN ANG MASTERMINDS

 74,953 total views

 74,953 total views AB) ang lisensya ng siyam (9) na construction firms ng mga Discaya. Bukod dito, kinumpiska na rin ng Bureau of Customs (BOC) ang

Read More »

DURA LEX, SED LEX

 97,152 total views

 97,152 total views “DURA LEX, SED LEX– The law is harsh, but it is the law! Lahat tayo ay pantay-pantay sa batas., Ang sinumang nagkasala sa

Read More »

70 LAWBREAKERS

 105,937 total views

 105,937 total views Unti-unti nang naaalis ang maskara ng mga mastermind sa 545-bilyong pisong collusion sa flood control projects ng pamahalaan. Nagiging klaro na ang lahat,

Read More »

Kalinga ng Diyos sa lupa

 116,784 total views

 116,784 total views Mga Kapanalig, higit sa pagpapakain at pagbibigay ng lugar para maligo at matulog sa mga kapatid nating nabubuhay sa lansangan, ang pagbabalik sa

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Marian Pulgo

May karapatan ang taumbayan na magalit

 8,194 total views

 8,194 total views Ito ang mariing pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa harap ng lumalaking sentimyento laban sa mga anomalya sa flood control projects.

Read More »

RELATED ARTICLES

CEAP, makikibahagi sa TRILLION Peso march

 53,393 total views

 53,393 total views Makikibahagi ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) sa malawakang pagkilos upang ipakita ang paninindigan laban sa katiwaliang patuloy na nagaganap sa

Read More »

Human trafficking, lalabanan ng CBCP-ECMI

 44,827 total views

 44,827 total views Tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang pagtutok

Read More »
Scroll to Top