“Set aside politics” sa pagtulong sa nasalanta ng bagyo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 958 total reads

Hinimok ni Ozamis Archbishop Martin Jumoad ang mamamayan maging ang mga namamahala sa pamahalaan na magkaisa sa pagtugon ng mga suliranin sa lipunan.

Ito ang pahayag ng arsobispo kaugnay sa pasaringan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo hinggil sa pagtugon ng mga sakuna sa bansa.

Panawagan din ni Archbishop Jumoad sa mga tagasuporta ng dalawang opisyal na iwasan ang pamumulitika sa gitna ng krisis sa halip ay magtulungan para sa higit nangangailangan.

“Let us set aside politics, our political affiliation and convictions; ang importante we have to unite and work together because we are all Filipino and those who are suffering are our brothers and sisters,” pahayag ni Archbishop Jumoad sa Radio Veritas.

Sa isinagawang press briefing ng pangulo, pinuna nito si Vice President Robredo na inakusahang nagpasimula sa #NasaanangPangulo sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Rolly at Ulysses na agad nag trending sa social media.

Bukod pa rito ang pahayag na walang ginawa si Robredo sa post-Typhoon Ulysses response ng gobyerno.

Pinabulaanan naman ng bise presidente ang mga akusasyon ng punong ehekutibo at iginiit na ginagawa lamang nito ang nararapat na tungkulin bilang pangalawa sa pinakamataas na opisyal ng bansa.

Paliwanag ni Archbishop Jumoad na hindi makatutulong ang sisihan sa halip ay dapat pagtuunan na lamang ng pansin ang mga hakbang na matulungan ang mga nasalanta ng bagyo.

“We have to stop blaming one another; well we have to recognize that there are lapses but then if you focus on the lapses then we cannot move on because we continue to blame one another,” dagdag pa ng arsobispo.

Ayon pa kay Archbishop Jumoad na kung magkakaisa ang bawat mamamayan at mga lider ng bansa mas higit na makikita ang pag-asa na makakaahon ang pamayanan mula sa mga kalamidad at krisis na naranasan.

Tiniyak naman ng simbahan ang patuloy na pakikiisa sa pagkalinga sa mga biktima ng magkakasunod na kalamidad sa bansa sa pangunguna ng mga social action centers ng bawat diyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 53,032 total reads

 53,032 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 157,626 total reads

 157,626 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 194,413 total reads

 194,413 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 224,989 total reads

 224,989 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 271,266 total reads

 271,266 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top