Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Online advent recollection, pangungunahan ng mga kabataan

SHARE THE TRUTH

 684 total views

Inaanyayahan ng Ministry of Youth ng Diocese ng Imus ang bawat pamilya lalo na ang mga kabataan na makiisa sa isang napapanahong pagninilay ngayong darating na panahon ng Adbiyento.

Ito ay ang Online Advent Recollection na may temang “Ang Kabataan sa kanyang Pamilya ngayong panahon ng Pandemya”, na isasagawa sa ika-5 ng Disyembre, sa ganap na alas-7 y media ng gabi via livestreaming.

Makakasama sa nasabing recollection sina Bro. Obet “Daddy O” Cabrillas, ang motivational speaker at Director ng Radical Men Discipleship ng Light of Jesus Family, at si Imus Bishop Reynaldo Evangelista.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang facebook page ng Ministry sa Kabataan-Diyosesis ng Imus.

Magugunitang noong ika-18 ng Enero, 2015, idinaos sa University of Santo Tomas ang Pope Francis’ Meeting with the Youth, kung saan hinimok ng Santo Papa ang mga kabataan na pangalagaan ang kalikasan dahil ang pag-abuso rito ay mariing paglabag sa utos ng Panginoong Diyos.

Batay naman sa tala, tinatayang umaabot sa 20 porsyento ng mahigit sa 80 milyong mga katolikong pilipino ay mga kabataang may edad na 15 hanggang 24 na taong gulang.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 70,975 total views

 70,975 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 102,970 total views

 102,970 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 147,762 total views

 147,762 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 170,733 total views

 170,733 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 186,131 total views

 186,131 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 9,683 total views

 9,683 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Archbishop Uy, nanawagan ng tulong

 6,344 total views

 6,344 total views Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mamamayan ng Cebu na magkaisa sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Tino, na nanalasa

Read More »
Scroll to Top