Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 8,006 total views

Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel Bellen Samar sa Guinobatan, Albay. Apat na tama ng kalibre .45 na baril ang tinamo ng mamamahayag. Kinabukasan, tuluyan na siyang binawian ng buhay. Si Samar ay 54 na taóng gulang.

Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin natutukoy ng mga imbestigador ang motibo sa likod ng pagpatay kay Samar. Pero para sa Albay chapter ng National Union of Journalists of the Philippines (o NUJP), dapat isaalang-alang ng mga imbestigador ang trabaho ni Samar bilang isang broadcaster. Kilala si Samar na kritiko ng kasalukuyang gobernador ng Albay na si Noel Rosal. Host si Samar ng isang radio program na umeere sa TV at mga pangunahing istasyon ng radyo sa probinsya. Sa mga programang iyon, ipinararating niya ang kanyang komentaryo sa provincial government at iba pang usaping pulitikal. Maaanghang na mga puná rin ang ipino-post niya sa social media. Kilala nga si Samar bilang “Mr Bull’s Eye”.

May nakikitang pattern ang mga grupo ng lokal na mamamahayag sa mga pag-atake sa mga local media practitioners sa Bicol. Ang Albay chapter ng NUJP ay nakapagtala na nga ng maraming kaso ng panggigipit, pananakot, at red-tagging sa mga mamamahayag mula 2023. Labimpito ang sinampahan ng kasong cyber libel. Dalawa na rin ang pinapatay, at karagdagan nga sa listahan si Samar. Sa pagmo-monitor naman ng grupong KARAPATAN, mahigit 400 na dokumentadong kaso ng panggigipit, pananakot, panliligalig o harassment, at red-tagging ang naiulat na sa Bicol simula nang manungkulan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. 

Para sa NUJP at KARAPATAN, lantarang inaatake ang kalayaan sa pamamahayag o press freedom sa Bicol.

Bakit mahalaga ang press freedom

Una, isa ito sa mga saligan ng demokrasya. Binibigyan nito ang mga mamamayan—sa pamamagitan din ng mga mamamahayag—na isiwalat ang totoo, magbahagi ng opinyon, at panagutin ang mga nasa poder. (Tandaan lamang natin na ang kalayaang ito ay dapat na nakabatay sa tama at totoong impormasyon—hindi sa paninira at malisya.)

Pangalawa, ang pagtatanggol sa kalayaan sa pamamahayag ay pagtatanggol din sa ating karapatan sa impormasyon at katotohanan. Bilang mga mamamayan, karapatan nating malaman kung ano ang totoo, lalo na sa mga isyung panlipunan at pampulitika na nakaapekto sa ating buhay. Bahagi ito ng tinatawag nating transparency.

Pangatlo, ang pag-atake sa mga mamamahayag at ang anumang tangkang patahimikin sila ay hindi lamang paglimita sa mga karapatan ng mga indibidwal. Pinahihina rin nito ang kakayahan nating mga mamamayan na bantayan at pigilan ang pang-aabuso at pagnanakaw ng mga nasa gobyerno.

Tinitiyak ng press freedom na naririnig ang boses ng mamamayan. Ilang araw nga pagkatapos niyang maging bagong Santo Papa, nanawagan si Pope Leo XIV na palayain na ang mga mamamahayag na ikinulong dahil sa pag-uulat nila ng mga totoong nangyayari at dahil sa pagtataguyod ng natatanging biyaya ng malayang pamamahayag. May mga pahayag ang ating Simbahan na maaaring salungat sa pananaw na ito ni Pope Leo XIV, pero malinaw ang turo ng Santa Iglesia: hindi natin makakamit ang kabutihang panlahat o common good kung itinatago ang katotohanan—katotohanang inaalam, sinusuri, at isinisiwalat ng mga mamamahayag. 

Mga Kapanalig, hindi natin maiaalis na kahit sa larangan ng media, may mga mamamahayag na hindi tapat sa tungkulin nilang pangalagaan at palaganapin ang katotohanan. Biased, ‘ika nga. Pero huwag nating idadamay ang mga tunay na naghahatid ng tamang balita at nagtataguyod ng katotohanan. Huwag nating idamay ang mga “[ipinahahayag] nang malinaw ang katotohanan at ang katuwiran,” sabi nga sa Mga Kawikaan 31:9. Stop shooting the messenger!

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Shooting the messenger

 8,007 total views

 8,007 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel

Read More »

The Big One

 38,658 total views

 38,658 total views Nakakatakot, nakaka-pangangambang isipin ang “The Big One” Kapanalig, aminado ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi mapipigilan at mangyayari ang

Read More »

Makatotohanang Anti-Corruption Crusade

 50,969 total views

 50,969 total views Kapanalig, ang kredibilidad ng anumang anti-corruption crusade ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tulad ng binuong INDEPENDENT COMMISSION for INFRASTRUCTURE(ICI) ay nakasalalay

Read More »

Mapaminsalang dredging sa Abra River

 62,162 total views

 62,162 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng marami sa atin sa mga maanomalyang flood control projects, may nagaganap na dredging operations sa bukana

Read More »

Pandaraya sa mga magsasaka

 72,014 total views

 72,014 total views Mga Kapanalig, lahat tayo’y nagulantang at nadismaya sa eskandalong bumabalot sa flood control projects ng DPWH. Ang pera kasing galing sa taumbayan—perang dapat

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

The Big One

 38,659 total views

 38,659 total views Nakakatakot, nakaka-pangangambang isipin ang “The Big One” Kapanalig, aminado ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi mapipigilan at mangyayari ang

Read More »

Makatotohanang Anti-Corruption Crusade

 50,970 total views

 50,970 total views Kapanalig, ang kredibilidad ng anumang anti-corruption crusade ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tulad ng binuong INDEPENDENT COMMISSION for INFRASTRUCTURE(ICI) ay nakasalalay

Read More »

Mapaminsalang dredging sa Abra River

 62,163 total views

 62,163 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng marami sa atin sa mga maanomalyang flood control projects, may nagaganap na dredging operations sa bukana

Read More »

Pandaraya sa mga magsasaka

 72,015 total views

 72,015 total views Mga Kapanalig, lahat tayo’y nagulantang at nadismaya sa eskandalong bumabalot sa flood control projects ng DPWH. Ang pera kasing galing sa taumbayan—perang dapat

Read More »

Behind Closed Doors

 93,285 total views

 93,285 total views “Very suspicious”(kaduda-duda), ito ang sentimiyento ng maraming Pilipino sa isinasagawang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure o ICI sa mga maanumalyang flood control

Read More »

Lahat ay pantay sa mata ng hustisya

 98,899 total views

 98,899 total views Mga Kapanalig, hindi pinagbigyan ng International Criminal Court (o ICC) Pre Trial Chamber I ang kahilingan ng kampo ni dating Presidente Rodrigo Duterte

Read More »

Behind closed doors?

 101,238 total views

 101,238 total views Mga Kapanalig, gaano kaya kalawak at kalalim ang ugat ng korapsyon na bumabalot sa mga flood control projects ng DPWH?   Sa ngayon, hindi

Read More »

Walang “natural disaster”

 146,209 total views

 146,209 total views Mga Kapanalig, ngayong taon, muli na namang nanguna ang Pilipinas sa World Risk Index bilang pinaka-disaster-prone na bansa sa mundo. Apat na magkakasunod

Read More »
Scroll to Top