Simbahan at lugar na may malaking ambag sa kasaysayan ng Pilipinas, pinapahalagahan ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,676 total reads

Patuloy na pinahahalagahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga simbahan at pook sa bansa na may malaking ambag sa kasaysayan.

Ayon kay CBCP Commission on Cultural Heritage of the Church Executive Secretary Fr. Milan Ted Torralba, ang pagsisikap ng simbahang maideklarang mahalaga ang mga gusaling itinayo daang taon ang nakalilipas ay upang hikayatin ang mamamayan na pangalagaan at pahalagahan.

“Ang personal motivation ko nitong mga declarations [National Cultural Treasure/Important Cultural Property] sa mga gusali na itinayo noong Spanish colonial period dito sa ating bansa para ipaalala sa bawat Pilipino na ang simbahan ang nangunguna sa pagpapahalaga at hindi malilimutan ng tao at kaparian ang mga pamanang patuloy pinakikinabangan,” pahayag ni Fr. Torralba sa Radio Veritas.

Ito ang mensahe ng pari kaugnay sa pagdeklara ng National Museum of the Philippines sa ilang simbahan sa Bohol bilang mga mahalagang yaman sa bansa.

Kamakailan ay isinapubliko ng NMP ang tanda sa ikasiyam na simbahang National Cultural Treasure ang San Vicente Ferrer Parish sa Calape Bohol.

Makalipas ang ilang araw ay natanggap na rin ng Nuestra Senora del Carmen Parish sa Balilihan Bohol ang tanda mula sa NMP bilang pagkilalang Important Cultural Property.

Ayon kay Fr. Torralba na siya ring chairperson ng Commission on Cultural Heritage ng Diocese of Tagbilaran at kasapi ng NMP Panel of Experts bukod sa mga simbahan ay may mga pook din sa Bohol na binibigyang pagpapahalaga ng simbahan at pamahalaan.

“Bukod sa mga lumang simbahan, kinikilala at pinahahalagahan din natin ang mga lumang tulay at watchtowers,” ani Fr. Torralba.

Sa tala ng National Commission for Culture and the Arts nasa 128 mga simbahan sa bansa ang kinilalang National Cultural Treasure, Important Cultural Property at National Historical Landmark kung saan sa nasabing bilang 21 ay matatagpuan sa Bohol.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 17,997 total reads

 17,997 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 18,124 total reads

 18,124 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 32,860 total reads

 32,860 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 89,266 total reads

 89,266 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 212,767 total reads

 212,767 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 296,543 total reads

 296,543 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top