Simbahan, handa na sa rehabilitasyon ng Marawi

SHARE THE TRUTH

 467 total views

Labis ang pasasalamat ni Prelature of Marawi Bishop Edwin Dela Peña sa ginagawang pagkilos ng iba’t-ibang institusyon ng Simbahang Katolika para makatulong sa mga Internally Displaced Person dulot ng patuloy na kaguluhan sa Marawi City.

Ayon kay Bishop Dela Peña, mahalaga ang aktibong pakikibahagi ng Simbahang Katolika sa pagtulong para sa mga bakwits lalo na’t patuloy ang pangangailangan ng mga ito homebased man o nasa mga evacuation centers.

“Una sa lahat ina-acknowledge namin ang lahat ng tulong na dumating sa Diocese of Iligan at Prelature of Marawi at we are overwhelm for this expression of generosity and support for our evacuees we hope we will continue to support them.” pahayag ni Bishop Dela Peña.

Una ng inihayag ng Caritas Philippines na umabot na sa 10 Milyong Piso ang tulong na kanilang ibinabahagi sa mga IDP’s habang nagpapatuloy ang ginagawang relief intervention ng Diocese of Iligan.

“Importante talaga na ituloy yung ating ugnayan para maipagpatuloy din natin yung ating pagtulong sa ating mga kapatid na nasa mga evacuation centers. Ito ay initial pa lamang at tinitingnan natin yung mga immediate needs ng mga bakwits sa ngayon, pero eventually tutumbukin natin yung Marawi kung saan gaganapin yung ating rehabilitasyon yung pagbangon ng Marawi.” dagdag pa ng Obispo.

Kaugnay nito ang Arkidiyosesis ng Maynila at ang Social Arm nito na Caritas Manila ay nakapagpadala na din ng P2 Milyon Piso para sa mga bakwits bukod pa sa mga bigas, water filters, gamot at mga undergarments.

Samantala, suportado ni Iligan Vice Mayore Jemar Vera Cruz ang ginagawang pagkilos ng Simbahang Katolika at aminado siya na malaki ang naitutulong ng insititusyon para mabawasan ang paghihirap ng mga bakwits bagamat karamihan sa mga ito ay mga Muslim.

“Ito talaga ang pagmamahal na buhay, Ito ay faith in action this is very important for the church be a light to the people in darkness lalo na ngayon dito maraming evacuees sa ating lugar sa Iligan City”.

Magugunitang si Vice Mayor Vera Cruz ay dating Vicar General ng Diocese of Iligan bago magsilbing bise alkalde ng siyudad.

Tinatayang nasa 5 libong Pamilya ang una nang natulungan ng Simbahang Katolika sa Iligan at Marawi habang target nito na makatulong pa sa karagdagang 3 libong home based families.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pampersonal o pambayan?

 37,350 total views

 37,350 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 79,564 total views

 79,564 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 95,115 total views

 95,115 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 108,240 total views

 108,240 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 122,652 total views

 122,652 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

CWS, dismayado sa 50-pesos na wage increase

 12,055 total views

 12,055 total views Nadismaya ang Church People – Workers Solidarity National Capital Region (CWS-NCR) sa 50-pesos na wage hike sa mga manggagawang nasa Metro Manila. Ayon

Read More »

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 28,706 total views

 28,706 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 41,998 total views

 41,998 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »
Scroll to Top