Simbahan, magsasagawa ng 2nd collection para sa mga biktima ng bagyong Vinta at Urduja

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 511 total views

Tiniyak ng Archdiocese of Ozamiz ang pagpapaabot ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Urduja at Bagyong Vinta sa Visayas at Midanao.

Ayon kay Ozamiz Archbishop Martin Jumoad ang pagtulong sa mga nangangailangan ay isang ‘moral responsibility’ ng bawat isa bilang mga magkakapatid na kinakailangan ang gabay at pag-agapay ng kapwa.

Kaugnay nito, inihayag ng Arsobispo ang planong pagsasagawa ng second collection upang makalikom ng sapat na pondo na maaring makatulong sa mga nabiktima ng magkasunod na bagyo
partikular na sa Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula at Northern Mindanao.

opo (tutulong po kami) kasi ano yun, that’s our moral responsibility we are brothers and sisters to one another and we do not exist alone, we are very much willing we can have second collection for that, oo…” Ang bahagi ng pahayag ni Ozamiz Archbishop Martin Jumoad sa panayam sa Radio Veritas.

Una na ring tiniyak ng Obispo ang pag-aalay ng panalangin sa lahat ng mga biktima at nasalanta ng magkasunod na Bagyong Urduja at Vinta sa Visayas at Mindanao.

Batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) umabot sa 47 ang nasawi habang higit 425-libong pamilya ang naapektuhan ng Bagyong Urduja sa Easter Visayas.

Samantala tinatayang aabot na mahigit 200-indibidwal ang nasawi dahil naman sa Bagyong Vinta kung saan higit sa 143-libong pamilya naman ang naapektuhan mula sa Zamboang Peninsula at Northern Mindanao.

Nauna nang nakapagpaabot ng humigit-kumulang sa 2-milyong pisong cash assistance ang Archdiocese of Manila at Caritas Veritas Damayan sa mga biktima ng Bagyong Urduja at Vinta sa rehiyon ng Visayas at Mindanao.

Nagpaabot na rin ng panalangin at pakikiisa ang Kanyang Kabanalan Francisco para sa lahat ng mga biktima ng bagyo sa Mindanao at nanawagan sa mga mananampalataya na magpaabot rin ng kanilang tulong at panalangin sa mga residenteng nasalanta ng bagyo ngayong kapaskuhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 43,885 total views

 43,885 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 39,754 total views

 39,754 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 75,956 total views

 75,956 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 84,750 total views

 84,750 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 110,338 total views

 110,338 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top