Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Simbahan, nanawagan sa mamamayan na isulong ang “culture of peace” sa bansa

SHARE THE TRUTH

 431 total views

Ang ‘culture of peace’ ang higit na dapat na manaig sa bayan.

Ito ang bahagi ng panawagan ni Caritas Philippines National Director Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa kanyang open letter para sa mamamayang Filipino kasunod ng panibagong serye ng karahasan sa CALABARZON na tinaguriang “Bloody Sunday” noong ika-7 ng Marso, 2021.

Ayon sa Obispo, napapanahon na upang higit na manaig ang culture of peace o kultura ng kapayapaan sa bansa na magsisimula sa bawat pamilyang Filipino.

Paliwanag ni Bishop Bagaforo, higit ng nakababahala ang paglaganap ng karahasan sa bansa kung saan maging ang United Nations High Commissioner for Human Rights ay nababahala na rin sa sitwasyon ng karapatan pantao sa bansa matapos ang mga serye ng karahasan laban sa mga magsasaka sa Negros, mga katutubong Tumandok sa Capiz, mga aktibista sa Southern Tagalog at mga pinuno ng uring manggagawa sa CALABARZON.

“The United Nations High Commissioner for Human Rights have spoken for us. The farmers in Negros, the Tumandok IP leaders in Capiz, and the activists in Southern Tagalog have died already fighting for their cause. So what about us? What is our conscience telling us? If you are disturbed as much as I was, now is the time to create a culture of peace. Let’s start within each Filipino family.” Ang bahagi ng mensahe ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa kanyang open letter para sa mamamayang Filipino.

Nagpahayag din ng pagkabahala si Bishop Bagaforo na tilang nagiging bahagi na lamang ng pang-araw-araw na pamumuhay at kultura sa bansa ang karahasan na nagmumula mismo sa bibig ng pinakamataas na opisyal ng bansa na dapat ay unang nagsusulong sa pagkakaroon ng kaayusan at kapayapaan sa lipunan.

“I was alarmed by the realization that violence, which was incited at first by harmful, pervasive and deeply damaging rhetoric of the government’s highest officials, has become a daily fixture in the Philippine society.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Giit ng Obispo makalipas ang halos limang taon ng pananahimik mula sa mga karahasan at mga maling nagaganap sa lipunan ay napapanahon upang magsalita at ipakita sa mga mapang-abuso na nasa posisyon at kapangyarihan ang paninindigan ng taumbayan para sa kaayusan at kapayapaan sa bayan.

“For almost five years we have let our leaders take command of our collective silence. They interpreted our inaction and passive nature as explicit permission to stir unlawful behavior as long as it is covered by legal orders and memorandum.” Pagbabahagi pa ni Bishop Bagaforo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 49,078 total views

 49,078 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »

Abot-tanaw na ang Bagong Pilipinas?

 68,763 total views

 68,763 total views Mga Kapanalig, nagsimula na noong nakaraang Lunes ang ikadalawampung Kongreso. Kasabay ng pagbubukas ng sesyon ng Kongreso ay ang ikaapat na State of

Read More »

LEGISLATIVE HOUSEKEEPING

 106,706 total views

 106,706 total views Senate President Francis Escudero., a master of heist? o isang magaling na hunyango? Kapanalig, ang isang hunyango ay magaling magtango., eksperto sa pag-adopt

Read More »

LEGACY OF CORRUPTION

 124,643 total views

 124,643 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Marian Pulgo

Mamamayan, binigo ng Senado

 1,547 total views

 1,547 total views Binatikos ni House Committee on Public Accounts Chairman at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon ang pasya ng Senado na i-archive ang impeachment

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

CLCNT, dismayado sa Korte Suprema

 36,020 total views

 36,020 total views Dismayado ang Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang unconstitutional ang impeachment laban kay Vice

Read More »
1234567