Simbahang Katolika, hindi maihahalintulad sa NGO’s

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,368 total views

Hinimok ng opisyal ng Pontificio Collegio Filippino ang mananampalataya na pag-ibayuhin ang paglingap sa kapwa.

Ayon kay PCF Rector Fr. Gregory Ramon Gaston, ito ang puso sa gawain ng Caritas Internationalis na nangunguna sa mga kawanggawa ng simbahan sa pamayanan.

Ipinaliwanag ng pari na ang simbahan ay hindi maihalintulad sa non-government organization dahil bawat gawain nito ay may kaakibat na pagmamahal at pagpapalago ng espiritu santo.

“Lahat ng itinutulong natin, ginagawa ng simbahan ay ultimately patungo sa espiritwal; kung may ginagawa man tayo mga outreach (program), apostolate lahat ito ay magdadala sa atin mapapalapit sa Panginoon, sa ganitong paraan mai-share natin ang Panginoon sa ating kapwa,” pahayag ni Fr. Gaston sa Radio Veritas.

Kamakailan ay nagtipon sa Roma ang mga kinatawan ng Caritas network mula sa 167 mga bansa sa ginanap na 22nd General Assembly kung saan nagbigay ng panayam si Caritas International President Emeritus Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle.

Sinabi ni Fr. Gaston na bagamat hindi na si Cardinal Tagle ang pangulo sa social arm ng simbahan ay inatasan naman ito ng Santo Papa Francisco na makipag-ugnayan sa iba’t ibang Caritas organizations sa mga diyosesis sa buong mundo.

Sa pagtitipon naihalal si Tokyo Archbishop Tarcisius Isao Kikuchi bilang pangulo ng charity arm ng Vatican ang ikalawang Asyanong mamahala sa organisasyon kasunod ni Cardinal Tagle.

Hinimok ni Fr. Gaston ang mamamayan na patuloy ipanalangin ang Santo Papa at si Cardinal Tagle sa mga misyong ginagampanan sa simbahan gayundin ang bagong pamunuan ng Caritas Internationalis na mangunguna sa pagtulong sa mahihirap na pamayanan at mga biktima ng iba’t ibang uri ng kalamidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 61,639 total views

 61,639 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 57,508 total views

 57,508 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 93,710 total views

 93,710 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 101,909 total views

 101,909 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 126,092 total views

 126,092 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top