Sister Fox, Labis ang pasasalamat sa Suporta ng mga Lider ng Simbahan at sambayanang Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 612 total reads

Labis ang pasasalamat ni Sr. Patricia Fox, NDS sa mga Lider ng Simbahang Katolika sa Bansa sa paghahayag ng suporta kaugnay sa hinaharap na Deportasyon ng Madre.

Ayon kay Sr. Fox, nagpapalakas ng kalooban ang suportang ipinakikita ng mga Obispo at maging ng sambayanan sa kaniyang pinagdadaanan lalo’t ito ay dahil sa kaniyang pagtupad sa tungkulin bilang Misyonero ng Simbahan na kalingain ang mga nangangailangan at walang boses sa lipunan.

“Siyempre nagpasalamat ako sa Statements ng mga Obispo at sa kanilang suporta kasi para sa akin siyempre tayo lahat may mga mistakes pero subukan ko sumunod sa yapak ng Panginoon kaya mahalagang kinilala ng mga Obispo (Pagmimisyon) kasi yun ang layunin ko.” pahayag ni Sr. Fox sa Radio Veritas.

Unang tinuran ng 71 – taong gulang na madre na tulad ni Hesus handa itong makararanas ng pang-uusig dulot ng mga adbokasiyang itaguyod ang karapatan ng mga mamamayan partikular na ang mga katutubo na kadalasang nabibiktima ng kawalang katarungan sa lipunan.

Aniya, napapamahal nito ang Pilipinas dahil buong pusong tinanggap ng mga Filipino lalo na ng mga katutubo ang madre sa kabila ng pagkakaiba ng kultura at nakasanayan.

Nagpahayag rin ng pagsuporta at pakikiisa si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa madre lalo’t malaki ang naiambag ni Sr. Fox sa mga mamamayan sa Bansa na maisulong ang kanilang mga karapatan.

Ika – 16 ng Abril ng inanyayahan ang Madre sa tanggapan ng Bureau of Immigration upang sagutin ang alegasyong nakikisangkot ito sa mga pagkilos laban sa Pamahalaan na isang paglabag sa Batas ng Pilipinas.

Itinanggi ni Sr. Fox ang Alegasyon at nanindigan itong bahagi ng kaniyang pagmimisyon ang pagtulong sa mga mamamayang nakararanas ng kawalang katarungan at mga naaabuso ang karapatang pantao.

Dahil dito, ika – 18 ng Hunyo ng kinatigan ng Department of Justice ang apela ng Madre na salungatin ang naunang desisyon ng B.I na paalisin ito sa bansa.

Ngunit nitong ika – 19 ng Hulyo ay muling ipinag-uutos ng Bureau of Immigration ang deportasyon matapos lumabas sa imbestigasyon na lumabag ito sa mga limitasyon at kondisyon sa ilalim ng Commonwealth Act 613, Section 9 o ang Missionary Visa at idenekalarang Undesirable Alien sa ilalim ng Article 2711, Section 69 ng Saligang Batas.
Umaasa naman si Sr. Fox, Coordinator ng Notre Dame de Sion sa Pilipinas na mapapalawig pa ang kaniyang pananatili sa bansa.

“Para sa Pangulo ay magkaroon siya ng plano paano makamit ang kapayapan, (at) paano uunlad ang kabuhayan ng lahat ng mga Filipino.” dagdag ng Madre.

Sa Homiliya ng Kaniyang Kabanalang Francisco noong nakalipas na Linggo sa Roma, binigyang diin nitong dapat nakahanda ang bawat binyagang sumusunod sa yapak ni Hesukristo na makaranas ng pang-uusig, paghihirap at pagsakripisyo tulad ng pinagdaanan nitong humantong sa pagbuwis ng sariling buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 119,269 total reads

 119,269 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 256,773 total reads

 256,773 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 372,549 total reads

 372,549 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 488,231 total reads

 488,231 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top