SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,952 total views

Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025.

Ayon kay LAIKO National President Francisco Xavier Padilla, sa darating na Oktubre ay magkaalinsabay na ipagdiwang ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang 24th LAIKO National Biennial Convention at ika-75 anibersaryo nito bilang implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)- Episcopal Commission on the Laity.

Pagbabahagi ni Padilla, kabilang sa pinaghahandaan ng LAIKO ang mga hakbang upang patuloy na mapalakas ang aktibong partisipasyon ng layko mula sa iba’t ibang mga diyosesis at mga organisasyon sa buong bansa.

“Ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas ay naghahanda para ipagdiwang ang aming 75th year anniversary! Sa October, magkakaroon ng Anniversary Celebration at ang Biennial National Convention. Gumagawa ang LAIKO ng mga hakbang para tuloy tuloy ang empowerment ng mga Layko sa mga Diyosesis at Organization sa buong Pilipinas.” Bahagi ng pahayag ni Padilla sa Radyo Veritas.

Kasalukuyang tinututukan ng Sangguniang Laiko sa Pilipinas ang pagtutol at pagbabantay sa mga isinusulong na panukalang DEATH Bills partikular na ang pagsasabatas ng same sex marriage, aborsyon at diborsyo sa Pilipinas.

Ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang nagsisilbing implementing-arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity na binubuo ng higit sa 50-organisasyon ng Simbahan at mga Council of the Laity mula sa 87 na diyosesis at arkidiyosesis sa buong bansa na kasalukuyang pinamumunuan ni Dipolog Bishop Severo Caermare.
Ang mga layko ay ang mga binyagan na hindi naordinahan o kabilang sa mga religious congregation na tinatayang bumubuo sa 99.99% ng mga Katoliko sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 227,937 total views

 227,937 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 258,160 total views

 258,160 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 284,804 total views

 284,804 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 379,777 total views

 379,777 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 386,095 total views

 386,095 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top