Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Social Action Center ng Archdiocese of Caceres, pinuri ng Caritas Internationalis at Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

 420 total views

Pinangunahan ni Archdiocese of Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona ang paggunita ng ika-48 anibersaryo ng Caceres Social Action ng arkidiyosesis.

Naganap ang payak na pagdiriwang sa Caritas-Caceres Development Center, Cadlan, Pili, Camarines Sur na dinaluhan ng ilang mga kawani ng Caceres Social Action sa pangunguna ni Rev. Fr. Marc Real na siyang Social Action Director ng arkidiyosesis.

Sa homiliya ni Archbishop Tirona, inihayag ng arsobispo na ang Social Action ay hindi lamang basta pagbibigay ng pangangailangan ng mga nangangailangan sa halip ay pagkakaloob rin ng kamalayan sa mga ito kaugnay sa dignidad ng buhay at ng pagiging isang Kristiyano.

Ayon sa arsobispo, kaakibat ng mga gawain ng Social Action ay ang pagiging saksi sa kung paano tumulong si Hesus sa mga mahihirap, nagpagaling ng mga may sakit, nagpaalis ng mga demonyo at nagsilbing lakas at pag-asa ng mga pinaghihinaan ng loob.

“Social action is not providing things to persons, it is building up and making the person aware of the human dignity, of the Christian dignity. So there is a beautiful link between martyrdom, witnessing and social action. And every time we do social action we witness Jesus who reach out to the poor, who heal the sick, which expel demons, who was the strength of the weak and above all he provided hope to the desperate and to the hopeless.” Ang bahagi ng pagninilay ni Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona.

Nagpaabot rin ng pagbati si Diocese of Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – National Director ng NASSA/Caritas Philippines sa pagdiriwang ng ika-48 anibersaryo ng Caceres Social Action.

Ayon sa Obispo, hindi matatawaran ang pagiging aktibo at maagap ng Diocesan Social Action Center ng akrisiyosesis kagyat na pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan sa tuwing may sakuna o kalamidad partikular na sa Bicol region.

Kinilala rin ni Bishop Bagaforo ang agad na pagtugon ng Diocesan Social Action Center ng Archdiocese of Caceres sa pagbubuo ng mga kindness station bilang tulong sa mga nangangailangan partikular na noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong nakalipas na taon.

“Kami ay nagpapasalamat sapagkat ang Social Action Program ng Archdiocese of Caceres ay isa sa mga nangungunang Diocesan Social Action Center sa ating Simbahan dito sa Pilipinas at isa sa unang unang palaging tumutugon sa mga maraming disasters at calamities na nangyayari sa Bicol Region, natutuwa rin tayong malaman na ang Diocesan Social Action Program ng Archdiocese of Caceres ay isa rin sa mga unang unang tumugon para magkaroon tayo ng kindness station.” bahagi ng mensahe ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo.

Samantala, maging ang Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle – Pangulo ng Caritas Internationalis ay nagpaabot rin ng pagbati sa pagdiriwang ng arkidiyosesis ng ika-48 anibersaryo ng Social Action Center nito.

Ayon sa Cardinal, ang misyon ng Caritas Caceres ay maituturing na isang biyaya at pambihirang pagkakataon na maging kabahagi sa pagiging daluyan ng presensya at pag-ibig ng Panginoon lalo na sa mga mahihirap at mga nangangailangan.

“God is Love and for us Caritas Caceres this is a grace, this is a privilege to be counted as one of the participants in God’s identity to be sent as messengers of God’s love especially to the poor.” Ang bahagi ng mensahe ni Cardinal Tagle.

Dahil dito umaasa ang Cardinal na sa pamamagitan ng iba’t ibang serbisyo at programa ng Caritas Caceres ay tunay na maramdaman ng bawat isa ang presensya at pag-ibig ng Panginoon lalo na sa mga naisasantabi sa lipunan.

“Sana po lahat ng pinaglilingkuran natin maramdaman ang presensya ng Diyos sa mga nakakalimutan ng lipunan.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Itinatatag ang Social Action Ministry ng Archdiocese of Caceres noong Hunyo 1973 sa ilalim ng pangangasiwa ng dating arsobispo ng arkidiyosesis na si Archbishop Teopisto Alberto.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 2,448 total views

 2,448 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 8,421 total views

 8,421 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 14,176 total views

 14,176 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 21,439 total views

 21,439 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 29,424 total views

 29,424 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Peace talks sa komunistang grupo, panawagan ng CLPI kay Pangulong Marcos

 1,355 total views

 1,355 total views Nanawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Council of Leaders for Peace Initiative (CLPI) na isang grupo ng mga indibidwal na bigyang prayoridad ang pagkakaroon ng ganap na kapayapaan sa bansa. Ito ang panawagan ng grupo na kinabibilangan din ng ilang Obispo ng Simbahang Katolika sa ikatlong State of the Nation Address ni

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, hinimok na makiisa sa rosary fluvial procession para sa kapayapaan

 6,787 total views

 6,787 total views Nagpaabot ng pasasalamat si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa lahat ng tumugon at nakikibahagi sa 50-Day Rosary Campaign para sa kapayapaan sa inaangking teritoryo ng China sa West Philippine Sea. Ayon sa dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, mahalaga ang pakikiisa ng bawat mananampalataya sa pananalangin ng kapayapaan at kaligtasan

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Panindigan na pag-aari ng Pilipinas ang WPS, hamon ng Obispo sa pamahalaan

 6,963 total views

 6,963 total views Nanindigan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na hindi maaring balewalain ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hauge Netherlands na pagmamay-ari ng Pilipinas ang West Philippine Sea noong June 12, 2016. Ito ang binigyan diin ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP – Office

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Divorce forum, itinakda ng Diocese of Novaliches

 6,058 total views

 6,058 total views Aktibong kumikilos ang Family and Life Commission ng Diocese of Novaliches upang mapalawak ang kamalayan ng mga Pilipino sa kasagraduhan ng kasal at pagpapamilya. Para lalong maunawaan ang negatibong epekto sa pagsasabatas ng divorce ay magsasagawa ng Forum on Absolute Divorce Bill na may titulong “Understanding God’s Plan on Marriage and Family” ang

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

MAPODE, umanib sa SCAD

 11,002 total views

 11,002 total views Lumahok sa Super Coalition Against Divorce (SCAD) ang prayer group ng Military Ordinariate of the Philippines Office of Deliverance and Exorcism (MOPODE) bilang pakikiisa sa paninindigan ng Simbahan laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas. Opisyal na inanunsyo ang pakikilahok at pagsali sa kowalisyon ng Military Ordinariate of the Philippines Office of Deliverance

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Matagumpay na pagpupulong ng CBCP, panalangin ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas

 11,850 total views

 11,850 total views Nagpaabot ng panalangin ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas para sa 128th Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na sa kauna-unahang pagkakataon ay isasagawa sa Mindanao. Ayon kay LAIKO Vice-President for Mindanao Atty. Proculo Sarmen, mahalagang ipanalangin ang paggabay ng Banal na Espiritu para sa mga Obispo na nagsisilbing pastol

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Lagman, binatikos ng SCAD

 12,204 total views

 12,204 total views Binigyang diin ng Super Coalition Against Divorce (SCAD) na ang paninindigan ng iba’t ibang mga faith-based groups laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas ay nakabatay sa katotohanan at hindi sa pagkukunwari o “religious hypocrisy”. Ito ang tugon ng grupo sa patutsada ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman sa paninindigan ng Couples

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

De Lima, kakasuhan ang mga nagpakulong sa kanya

 25,741 total views

 25,741 total views Inihayag ni dating Senador Leila De Lima ang planong pagsasampa ng kaso laban sa mga nasa likod ng kanyang pagkakakulong sa loob ng nakalipas na pitong taon. Ito ang ibinahagi ni De Lima sa programang ‘Oras ng Bayan’ sa himpilan ng Radyo Veritas. Inihayag ng dating Senador ang paninirang puri, pagkasira ng reputasyon

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Harrassment sa mga residente ng Mariahangin island, ikinabahala ng Obispo

 11,609 total views

 11,609 total views Nagpahayag ng pagkabahala ang Apostoliko Bikaryato ng Puerto Princesa sa Palawan para sa kapakanan ng mga residenteng naninirahan sa isla ng Mariahangin sa Bayan ng Balabac, Palawan. Ibinahagi ni Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona ang pagkabahala sa mga ulat ng pang-ha-harass ng ilang armadong grupo sa mga residente ng isla upang lisanin ang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong arsobispo ng Archdiocese of Caceres, ginawaran ng pallium ng Santo Papa

 11,887 total views

 11,887 total views Personal na ginawaran ni Pope Francis ng Pallium ang 42 mga bagong arsobispo mula sa iba’t ibang bansa kabilang na ang nag-iisang Pilipino na bagong arsobispo ng Arkidiyosesis ng Caceres na si Archbishop Rex Andrew Alarcon. Naganap ang paggagawad ng Pallium sa St. Peter’s Basilica kasabay ng pagdiriwang ng Banal na Misa para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

St. John the Baptist church sa Camalig Albay, idineklarang importany cultural property

 18,602 total views

 18,602 total views Opisyal na idineklara ng National Museum of the Philippines bilang isang Important Cultural Property ang St. John the Baptist Church sa Camalig, Albay na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Diyosesis ng Legazpi. Naganap ang paghahawi ng tabing sa panandang pangkasaysayan noong ika-24 ng Hunyo, 2024 kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ni San

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Suporta sa naiwang pamilya ng EJK victims, paiigtingin ng Arnold Janssen Kalinga Foundation

 17,715 total views

 17,715 total views Paiigtingin ng Arnold Janssen Kalinga Foundation ang suporta sa pamilya ng mga biktima ng extra-judicial killings sa marahas na implementasyon ng war on drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte. Sa ilalim ng Program Paghilom ay nagkakaloob ng iba’t ibang tulong at suporta ang organisasyon para sa naiwang asawa, magulang at anak ng mga

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Ipanalangin ang proteksyon at kapayapaan ng Pilipinas, panawagan ng mga Obispo

 13,018 total views

 13,018 total views Nanawagan ng sama-samang pananalangin ng Santo Rosaryo ang mga obispo ng Simbahang Katolika upang ipanalangin ang proteksyon at kapayapaan ng Pilipinas kaugnay sa pilit na inaangking teritoryo ng China sa West Philippine Sea. Bilang tugon sa patuloy na pag-igting ng tensyon na kinahaharap ng bansa partikular ng mga Pilipinong mangingisda at hukbong dagat

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Partisipasyon at paninindigan ng mga layko sa usaping panlipunan, paiigtingin

 22,181 total views

 22,181 total views Tiniyak ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang lalong pagpapaigting sa kamalayan at aktibong partisipasyon ng layko sa mga usaping panlipunan sa bansa. Ito ang ibinahagi ni LAIKO National President Francisco Xavier Padilla sa mga nakahanay na gawain ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, nagpapasalamat sa pagkilala ng NHCP sa Cabanatuan cathedral

 9,793 total views

 9,793 total views Nagpapasalamat ang Diyosesis ng Cabanatuan sa pagkilalang iginawad ng National Historical Commission of the Philippines sa St. Nicholas of Tolentine Parish Cathedral o kilala bilang Cabanatuan Cathedral para sa mahalagang ambag nito sa kasaysayan ng bansa. Sa naganap na unveiling ng national historical marker sa katedral noong ika-14 ng Hunyo, 2024 ay ibinahagi

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top