Social Action Ministry ng Diocese of Cabanatuan, kumikilos na para sa 2022 national elections

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 613 total reads

Pinangangasiwaan ng Social Action Ministry ng Diocese of Cabanatuan ang programa ng diyosesis bilang paghahanda sa nakatakdang halalan.

Ito ang ibinahagi ni Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud kaugnay sa electoral engagement ng Simbahan sa diyosesis.

Ayon sa Obispo, ang Social Action Ministry ng diyosesis ang gumagawa ng mga programa para sa nakatakdang halalan kung saan partikular na tinututukan ang mga kabataan, mag-aaral at mga residente sa bawat barangay upang maibahagi ang kahalagahan ng nakatakdang halalan para sa kinabukasan ng bayan.

Bukod dito, inihayag rin ni Bishop Bancud na bahagi ng nasabing programa ang pagpapaunawa sa malaking hamon sa bawat isa na hindi lamang basta makibahagi sa pamamagitan ng pagpaparehistro at pagboto sa halip ay kinakailangan rin ang matalinong pagpili ng mga karapatdapat na maihalal sa katungkulan sa pamahalaan.

“Definitely kasi through our Social Action Office sila ang gumagawa ng programa, ang ginagawa kasi ngayon isinasama itong Social Action and then ang youth and schools, and then sa mga barangay din kailangan maibigay natin yung pagbibigay ng liwanag sa kahulugan ng darating na eleksyon at lalo na ang pag-unawa sa hamon na nakaatang sa atin…” Ang bahagi ng pahayag ni Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud sa Radio Veritas.

Matatandaang binigyang diin ng NASSA/Caritas Philippines na ang mga Social Action Director katuwang ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa iba’t ibang diyosesis ang dapat na manguna sa pagsasagawa ng mga programa at mga aktibidad bilang paghahanda sa nakatakdang halalan.

Samantala, una ng inihayag ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Rowena Guanzon na hindi na palalawigin pa ng ahensya ang nakatakdang deadline ng voters registration sa ika-30 ng Setyembre ng kasalukuyang taon kung saan umaabot na sa 3.5-million ang naitalang bilang ng new registrants.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagnanakaw sa kabataan

 21,189 total reads

 21,189 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 62,350 total reads

 62,350 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 169,228 total reads

 169,228 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 213,893 total reads

 213,893 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 235,060 total reads

 235,060 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top