Solemn declaration ng Holy Spirit church, pinangunahan ni Antipolo Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,865 total reads

Hinikaya ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga mananampalataya na gawing sentro ng pananalangin, pananampalataya, at pilgrimage ang bagong Holy Spirit Church sa Barangay Dolores, Taytay, Rizal kasunod ng Blessing of the Altar at Solemn Declaration ng simbahan sa ilalim ng Diocese of Antipolo.

Ayon kay Bishop Santos, ang bagong simbahan ay magiging lugar kung saan higit na mararanasan ng mga mananampalataya ang pag-ibig at awa ng Diyos sa pamamagitan ng pagdiriwang ng mga banal na sakramento, pananalangin, at paglilingkod sa kapwa dahil ang pagtatayo ng simbahan ay sumasalamin sa pagkilos ng Diyos sa puso ng mga taong handang maglingkod para sa kabutihan at kabanalan ng sambayanan.

“Ngayon po ay ginaganap ang Blessing of the Altar ng Holy Spirit Church. Ito po ay dahil sa kagandahang-loob ng Dizon Family, ng kanilang matriarch na si Sharon Dizon, ng kanyang mga anak, at ng buong pamilya, na siyang nagpagawa ng simbahang ito. Ang buong simbahan ay kanilang ibinigay bilang regalo sa Diocese of Antipolo. Ang mangangasiwa naman dito ay ang PACEM Missionaries, sa pamumuno at pangangasiwa ng Mary Mother of the Church Parish. Dito po natin makikita na ang lahat ay nagtutulungan, lahat ay nagbibigayan, at lahat ay handang maglingkod at magpakasakit para sa kaluwalhatian ng Diyos, para sa kabutihan at kabanalan ng sambayanan,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Santos.

Binigyang-diin ng Obispo na ang pagtatayo ng isang simbahan ay bunga ng pagkakaisa, pagtutulungan, at malasakit ng komunidad dahil sa bawat bahay ng Diyos na naitatayo ay nabibigyan ang mga mananampalataya ng pagkakataong higit na mapalalim ang kanilang ugnayan sa Panginoon at sama-samang maisabuhay ang kanilang pananampalataya.

“Dito rin natin nakikita na ang Diyos ay kumikilos. Hindi Siya nagpapabaya, hindi nag-iiwan, at ginagalaw Niya ang puso ng mga tao upang maitayo ang bahay ng Diyos—ang simbahan. Ito po ang naganap at aming ipinagpapasalamat sapagkat dito sa Barangay Dolores, Taytay, ay mayroon na namang bagong simbahan kung saan mararanasan ng mga tao ang pag-ibig at awa ng Diyos sa pamamagitan ng pagdiriwang ng mga sakramento at ng pagtulong sa kapwa, kami po ay nagpapasalamat, at kayo po ay aming inaanyayahan na pumunta at magsimba rito,” ayon pa sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Santos.

Nagpasalamat naman si Bishop Santos sa Dizon Family at Seven Rose Petals Development Corporation na primary developers ng simbahan at sa pangunguna ng kanilang matriarch na si Sharon Dizon, sa pagkakaloob ng Holy Spirit Church bilang handog sa Diocese of Antipolo kasunod ng pagpapasalamat sa Mary Mother of the Church Parish sa pangangasiwa sa bagong simbahan upang patuloy itong maging tahanan ng pananalangin at biyaya para sa mga mananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 74,467 total reads

 74,467 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 214,227 total reads

 214,227 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 330,003 total reads

 330,003 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 447,773 total reads

 447,773 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 93,817 total reads

 93,817 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »
Scroll to Top