Soundtrack of our Faith, ilulunsad ng Jesuit Music Ministry

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,230 total views

Ilulunsad ng Jesuit Music Ministry ang teleserye mimic soundtrack album na ‘Soundtrack of Our Faith’.

Layunin ng music production arm ng Jesuit Communications Foundation Inc. na bigyang inspirasyon ang mananampalataya sa kabila ng iba’t ibang hamong kinakaharap sa lipunan.

Tampok sa mga awitin ang mensahe ng pag-asa lalo ngayong ipinagdiriwang ng kristiyanong pamayanan ang dakilang pagliligtas ng Diyos sa sanlibutan.

“It begins with someone facing confusion and challenges in one’s life, then meeting Jesus along their journey to help turn around their miserable situations. Eventually, the path leads to forming an enduring relationship with God founded on faith, hope, and love. Listeners of the album will recognize this thematic shift from dark to light, sadness to joy,” ayon sa JMM.

Gaganapin ang paglulunsad sa April 8, 2023, Sabado de Gloria upang bigyang tuon ang dalang kaligtasan mula sa liwanag ng muling pagkabuhay ni Hesus.

“The full “Soundtrack of Our Faith” album will be launched on Black Saturday – to further emphasize the message of Easter, the promise of fullness of life” anila.

Nagpasalamat ang Heswita sa mga kilalang personalidad na naglaan ng kanilang oras at talento sa pag-awit ng mga kantang nakapaloob sa album.

Ilan sa mga awiting kabilang sa ‘Soundtrack of Our Faith’ ang:
1. “Gandang Sinauna at Sariwa” by Kayla Rivera
2. “Pintig ng Puso” by Floyd Tena
3. “Maging Katulad Mo” by Popper Bernadas
4. “Pagkakaibigan” by Darwin Lomentigar
5. “Tungo Sa’yo” by Bituin Escalante with Hangad
6. “Walang Ibang Tahanan” by Arman Ferrer
7. “Nauna Na Kitang Mahalin” by Erik Santos
8. “Huwag Limutin” Bianca Lopez- Aguila
9. “Stella Maris” Jolina Magdangal
10. “Ito ang Araw” by Lara Maigue and Arman Ferrer
Naniniwala ang JMM na malaki ang maitutulong ng mga kilalang artist upang mapalawak ang ebanghelisasyon sa pamamagitan ng musika.
“The prominent names help JMM’s mission of propagating the faith through music. In a way, because they are already well-known names, they can help invite those who have yet to discover the ministry’s classic and new compositions,” giit ng JMM.
Mapakikinggan ang JMM Music sa digital platforms tulad ng Spotify, Apple Music, Amazon Music, YouTube at Deezer.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 36,515 total views

 36,515 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 64,520 total views

 64,520 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 82,320 total views

 82,320 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 80,738 total views

 80,738 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 190,442 total views

 190,442 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Santo Papa, nanawagan ng pagbangon

 10,642 total views

 10,642 total views Mariing nanawagan ng pagbangon at pag-asa ang Kanyang Kabanalan Leon XIV sa mamamayan ng Angola sa kanyang isinagawang misa sa kanyang pagdalaw sa

Read More »
Scroll to Top